^

PSN Showbiz

Willie Revillame, tumatayong consultant ‘di investor ng ALLTV

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Willie Revillame, tumatayong consultant �di investor ng ALLTV
Willie Revillame.

Nilinaw ni AMBS President Maribeth Tolentino na consultant / talent ang posisyon ng sikat na TV host na si Willie Revillame sa AllTV.

“Consultant namin siya. How to go about this venture, siya ang unang nag-a-advise sa amin,” pahayag Ms. Maribeth sa isang zoom interview sa ilang entertainment press days ago.

“‘Di ba, lahat ng negosyo, may consul­tant? So, saan ba siya magko-consult para sa negosyong ito? Sa programa, sa artista. ‘Yun ang role sa amin ni Willie,” dagdag pa ni Ms. Maribeth.

Nagkaroon ng impression ang lahat na investor si Mr. Revillame sa network na nagkaroon ng soft launch ilang araw na ang nakakalipas pero nakatanggap ng ilang pintas dahil daw kulang sa paghahanda.

May ilang nagsabi na minadali ito.

Maging ang tungkol sa dance number ni Toni Gonzaga ay napintasan.

Pag-amin naman ni Ms. Maribeth : “Lahat kami kinakabahan, even our technical. So it happens, hindi natin maiiwasan ‘yun.

“So, good thing meron kaming nare-receive na ganung feedbacks, mai-improve namin, technical side,” sabi pa ng presidente ng network.

Pakiramdam niya ay natural naman ‘yun sa unang araw ng negosyo nila. “Kabado kami lahat. So, thank you dun sa mga nag-comment na ‘yun. At least, mai-improve namin,” dagdag niya pa.

Kinumpirma rin ni Ms. Tolentino na by January pa makakapag-full blast ang AllTV.

Usok sa mag-asawa, may apoy na pinanggagalingan!

Dedma na raw talaga si aktres sa kanyang mister na umaasa pa sa­nang magkakaroon sila ng reconciliation.

Kaya malabo na raw magkaayos ang mag-asawa as of presstime ayon sa narinig kong usap-usapan.

Well, hindi na bago ang kuwentong naghihiwalay ang isang mag-asawa kaya hindi na rin naman siguro shocking kung maghiwalay sila.

Ang shocking ay ‘yung kuwento ng mga taong nasa paligid nila.

Wala namang usok kung walang apoy sabi nga, lalo na sa showbiz.

Lahat ng usok tiyak na may apoy na pinanggagalingan.

Saka sooner or later lalabas din naman tiyak ang katotohanan.

WILLIE REVILLAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->