Humataw ng rock n’ roll si Dawn Zulueta sa birthday party ni President Bongbong Marcos the other night. Kumanta ang aktres habang sumasayaw pa.
Pero walang sound ang ipinost niyang video sa Instagram habang nakiki-sing along pa sa kanya ang Presidente.
Andun pa rin talaga ang charm ni Dawn bilang artista. At hindi na ‘yun mawawala kumbaga.
Nagbago lang ang kulay ng buhok niya, pero andun pa rin ang tatak Dawn kaya ang gaganda ng comment sa kanya. “It was my great pleasure and honor to rock n’ roll for our dear President @bongbongmarcos at a birthday celebration, given to him by friends & family, singing one of his favorite Beatles songs,” bahagi ng caption ni Dawn.
Special Assistant to the President ang husband niyang si former Cong. Anton Lagdameo kaya’t visible rin si Dawn sa mga event sa Malacañang.
Nauna na niyang sinabi na on purpose ang hindi niya pagpapakulay ng buhok.