ABS-CBN ball, postponed!
Nagkakaroon ng official statement ang Kapamilya Network kahapon ng hapon upang i-announce ang desisyon ng network na kanselahin na muna ang kanilang ABS-CBN Ball 2022.
Kung matatandaan, nag-announce na ang Kapamilya Network na sa Oct. 2 magaganap ang kanilang big event.
May pa-‘Save the Date’ na sila at marami na rin sa mga celebrity na inimbitahan nila ang nag-yes na.
Actually, pati ang ibang dating Kapamilya stars nga na nawala na sa ABS-CBN ay inimbitahan din nila at nag-yes na rin.
Bale sa pamamagitan muna ng email ang imbitasyon para sa ABS-CBN Ball 2022 at doon ka rin sasagutin kung pupunta ka ba at after that ay may instructions na rin silang ipadadala.
Pero very sad nga dahil bigla silang nagdesisyon na huwag na munang ituloy ‘yon.
Bago pa ang nasabing announcement ay may nagkumpirma na sa aking source tungkol sa kanselasyon nga nitong ball.
Nag-meeting pa raw bago inilabas ng corporate communications department ang official statement kung bakit sila nag-decide na kanselahin ‘yon.
Maraming mga dahilan akong naririnig, pero mas maganda na sa kanila manggaling ‘yon.
Who knows, baka pagkatapos nitong announcement nila ay magkaroon ng bagong schedule.
Josh, binalikan ng dating yaya
As you read this, baka nasa Disneyland at nag-e-enjoy sa ride sa nasabing theme park sa Anaheim, California ang panganay ni Kris Aquino na si Josh.
Mamamasyal daw muna sa iba’t ibang lugar sa California si Josh bago uuwi ng ‘Pinas.
Actually, mukhang masaya naman talaga si Josh nang makita ko siya sa Los Angeles noong Monday night.
Alagang-alaga si Josh doon ng mga pinagbilinan sa kanya ni Kris.
Ang chika nga palang narinig namin, ‘yung dating nag-aalaga sa kanya na si Bincai na nag-aalaga kay Josh ay bumalik na rin daw sa kanila at ito raw ang nakatakdang mag-alaga sa panganay ni Kris once na umuwi na ng bansa ang kuya ni Bimby.
Last year, sa isang tell-all interview ay ikinuwento pa ni Kris kung bakit umalis sa kanila si Bincai at wala naman daw silang bad blood.
Mahal na mahal ni Bincai si Josh at ito ang nag-aalaga sa panganay ni Kris kaya marahil bumalik din ito sa kanila.
‘Yun na!
- Latest