On air na ang ALLTV sa Channel 2. Kahapon nga ay nagkaroon ng soft launch ang pinakabagong network ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS).
Star-studded ang ginanap na variety show para magkaroon ng idea ang manonood sa kanilang mga aabangan sa bagong bukas na TV network.
Ginanap ang soft launch kahapon ng 12:00 noon na pinangunahan ni Willie Revillame at Toni Gonzaga na ginanap sa rooftop ng Wil Tower.
Binigyan din ni Toni ang mga manonood ng exclusive interview kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na nag-celebrate ng birthday kahapon sa pilot episode ng kanyang programang Toni Talks.
Mamimigay rin daw ang ALLTV ng dalawang units mula sa Bria at Lumina sa pagbabalik ng programa ni Revillame sa national TV, ang Wowowin.
Nagkakaroon din ng iba’t ibang bonggang dance show at song numbers, bukod pa sa cash at malalaking papremyo na ipinamigay bawat oras sa mga mapapalad na nanonood kahapon. “Gusto natin masaya lahat ng viewers natin. We have prepared an exciting and breathtaking show for all of you,” ayon kay AMBS President Maribeth Tolentino.
Ang AMBS, which runs ALLTV, is under the Prime Assets Ventures, Inc. led by businessman Manuel Paolo Villar.
Bukod kay Revillame, kasama sa mga nauna nang pumirma ng kontrata sa kanila ay sina Toni and Paul Soriano, Ciara Sotto, Anthony Taberna and Mariel Rodriguez.
Nagkaroon na rin sila ng content license agreement with CNN Philippines for news content.
ALLTV airs on Channel 2 on free TV and Planet Cable; Channel 35 on Cignal TV and Sky Cable, Channel 32 on GSAT, Channel 23 on Cablelink, and Channel 2 on other cable TV providers.
Kaagad namang nag-post si Mariel ng “Today we launched our new network @alltvph.”
Kasama nila nina Toni at Ciara, sina Ruffa Gutierrez, Ella Cruz and Julia Barretto. May tinanungan ako kung magkakaroon din sila ng kontrata sa AMBS, pero habang sinusulat namin ito ay wala pa itong sagot.
Anyway, talagang mabigat na ulit ang kumpetisyon sa TV.
Malamang daw kasi na ang ibang mga programa ng ABS-CBN ay mapapanood na rin sa ALLTV.
‘Pag nagkaganun, ang saya-saya nga.