^

PSN Showbiz

14 years na walang lovelife, Janice , ayaw na ulit mag-asawa!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
14 years na walang lovelife, Janice , ayaw na ulit mag-asawa!
Janice de Belen.

Grabe, fourteen years na palang walang lovelife si Janice de Belen.

At hindi na raw siya naghahanap.

Mas priority na niya ngayon ang mga Korean actor.

“Parang wala na akong kailangang i-prove. Nagpakasal na ako, failed relationship. Nahiwalay ulit ako. Nagka-relationship ulit ako,” sagot niya nang tanungin namin tungkol sa lovelife sa isang interview kahapon para sa pelikulang Sugat sa Dugo. Busy nga ngayon ang aktres sa promo ng Sugat sa Dugo, isang advocacy film, na nakatutok sa kuwento ng HIV/AIDS under Dragon Entertainment Productions Inc. sa direction ni Danny Ugali and story / concept by Bambbi Fuentes.

 “Kaya after that, parang ‘di ko naman gustong mag-asawa ulit,” sabi niya sa interview namin.

“Nung una, nagwo-worry din ako na, so ito na.  This it na. Siyempre approaching 40’s na ako nun eh. Uy ito na this is it. ­Siyempre nagkakaroon ka ng moment na ‘tatanda na lang ba akong mag-isa.’

“Pero iniisip ko kahit naman may kasama ka, pag namatay ka, mag-isa ka pa rin naman. So di ba. So bakit mo siya iisipin.

“Hanggang nag-start na uli akong magtrabaho nang mag-trabaho, ‘di ko na siya naisip, nakalimutan ko na siya. Na-enjoy  ko na yung independence ko. Weirdly, nae-enjoy ko ‘yung solitary ko being alone, at home. I have my dogs, my dad lives with me so hindi pa rin naman ako totally alone.

“Nalulungkot ba ako, hindi naman din.

“Minsan naiisip ko parang malungkot kasi pag nagkasakit ka walang mag-aasikaso sa ‘yo, walang magtatanong kung kumain ka na ba?

“Minsan pag nag-check ka ng phone, ‘ay walang nag-text sa akin.’ ‘Yun may ganun ka. Pero maiisip, eh ano naman ngayon?” sabay tawa pa ni Janice.

Nung pandemic ‘di ba niya nasabi sa sarili na mas masayang ma-lockdown na may kasamang partner?

“Hindi... kasama ko lahat ng anak ko.  So busy ako nung pandemic sa pagluluto.

“Yung mga anak ko nun walang tigil ang bibig.

“Ang worries ko nun ay ‘di magkasakit, how to survive the pandemic. Hindi ko siya naisip,” ulit pa niya.

Saka may mga dog naman daw siyang kasama.

Meron siyang walong aso na noong pre-pandemic ay 15 lahat. “May natutulog sa kuwarto ko, dalawa.”

Paano kung may nagpaparamdam?

“Sa’n nila ako makikilala? Lagi akong nasa bahay. Saka ako ayaw ko rin.

“Kahit mga friend ko iba ang tono na ‘uy may ipapakilala ako sa ‘yo.’ Ibig sabihin ipapakilala as a friend.

“Wala lang, ang tagal ko nang single. So feeling ko I don’t think kaya ko pang mag-adjust to be with another person,” paliwanag pa niya.

Kaya ang pinagkakaabalahan niya ngayon, ang mga Korean actor. Nasa wall paper ng cell phone niya si So Joong-ki. “Sorry break na kami Lee Min-ho, kay So Joong-ki na ako. Mas gusto ko siya. K drama na ang lovelife ko. Kasi lulong ako sa K drama,” chika pa niya habang kinikilig-kilig.

Sa Descendants of the Sun niya unang napanood si So Joong-ki at since then naadik na siya. “Ayoko sana siyang panoorin noon (Descendants…) dahil may mga soldier-soldier. Pero that time my mom just died so medyo sad ako, nakita ko so napanood ko, since then minahal ko na siya,” naalalala pa ni Janice.

Anyway, nanay na pabaya ang role ni Janice sa pelikulang Sugat sa Dugo na cameo lang ang role niya.

One day lang siya nag-shooting, pero nanalo siyang best actress sa  2021 International Film Festival Manhattan (IFFM Autumn) in New York.

Hindi niya raw inasahan ang nasabing award dahil nga cameo lang ang role niya sa nasabing advocacy film. “Everytime na gagawa ako ng movie hindi ko naman iniisip ‘yang award. Kasi para sa akin, do your best, give your best,” katuwiran ng aktres na 44 years na pala sa showbiz sabay paliwanag na “Kaya ko lang naman naisip ‘yun kasi pag may nagtatanong kung ilang taon ka na sa business, siyempre, magkukuwenta na naman ako.  Tapos pagkuwenta ko, 44 years na pala.”

Pahabol niya : “Pero may time na nag-slowdown din naman ako.”

At sa 44 years niyang ‘yun sa industriya, may mga ginawa siyang pelikula o teleserye na hindi na niya maalala.

Starring sa Sa Sugat sa Dugo sina Khai Flores, Mira Aquino, Christa Jocson, Shira Mae Tweg, Sharmaine Arnaiz, Ashley Carpio, Esteven Dayrit, Leone Adriano, Mosh Gerodias Emcel Abuso, and RJ Ariar.

Thankful si Janice na nag-adjust sila Bambbi sa schedule niya para nga sa kanyang role.

Palabas na ang Sugat sa Dugo sa selected theaters nationwide simula sa September 28.

 

JANICE DE BELEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with