^

PSN Showbiz

Barbie nahiya kay Kathryn!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Barbie nahiya kay Kathryn!
Barbie Imperial

Ramdam ang presence ni Barbie Imperial sa social media.

Lately nga ay wala siyang teleserye at mas active siya sa social media.

Kahapon ay all over siya dahil sa pagsagot niya sa mga intriga.

Kina Daniel Padila, Xian Lim, Sandro Marcos, at ang pakikipag-date sa isang politician.

 “Ngayon ko lang yata sasagutin ito kasi nanahimik talaga ako. As in noong time na ‘yon, nung nangyari ang tsismis na ‘yon siyempre nahiya ako unang-una kay Kath (Kathryn Bernardo) kasi ano ang iisipin niya ganito-ganyan,” simula ni Barbie sa intriga noong ‘nakasingit’ siya kay Daniel.

“Pumunta ako ng bahay ni Tita Karla, kasi first, kaibigan ko si Tita Karla at si Magui ay kaibigan ko rin. At nung pumunta ako noon, sobrang  kaka-break lang namin actually ni Diego (Loyzaga) nu’n. And ang mga kaibigan ko talaga na pinupuntahan, sina Ara (Mina), ayun, isa rin si Tita Karla. Parang lalapit ako sa parang mom talaga mag-advice. And para fair ‘yung advice. Si Tita Karla kasi kilala niya rin si Diego, anak-anakan niya rin si Diego,” mahabang paliwanag ni Barbie.

Tungkol naman sa nag-viral na photo nila ni Xian, sinabi nitong : “Siyempre isang hotel lang para madaling pumunta du’n sa event mismo. So siguro kung sasabihin mo na nag-check in kami ng isang hotel, oo, naka-check in kami talaga ng isang hotel pero that doesn’t mean na isang kuwarto kami. Saka ang bobo naman namin, nagpa-picture talaga?”

Sinagot niya rin ang naging intriga sa kanila ng first son na si Cong. Sandro Marcos  : “That’ not true. Kami ni Sandro, naging friends kami way back, as in matagal na, super tagal na. Wala ever nangyari na something romantic between us like super close kaming friends lang talaga.”

Pumiyok din ng aktres ang tsikang may boyfriend siyang politiko.

“Well hindi siya boyfriend. Pero lumabas kami a couple of times. He’s a very good man, he came from a very good family, like sobrang bait ng family, but hindi ko po siya boyfriend. Pero palagi kaming nagkakasama as a group,” natatawa niyang banggit.

Ang followers niya ang nag-identify na isang Mico Clavano ang nasabing pulitiko na naging nominee sa isang partylist group.

 

BARBIE IMPERIAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with