^

PSN Showbiz

Cloverleaf mall nayanig sa meet-and-greet

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Cloverleaf mall nayanig sa meet-and-greet

Nayanig ang Ayala Malls Cloverleaf sa Balintawak nang magkaroon ng meet-and-greet ang Beautederm para sa launching / opening ng kanilang store sa nasabing mall.

Talagang nagwala ang fans dahil kina Boobay, JC Santos, Jelai Andres, Buboy Villar, Zeinab Harake, Biaca Umali and Ruru Madrid.

Halatang nasabik ang tao na makita ang kanilang mga idolo. Nakakabingi ang tilian.

At grabe ang followers ng mga social media star na sina Jelai Andres and Zeinab Harake, ang taas ng energy.

Marami namang kinilig nang sabihin ni Bianca sa stage na nag-iisang lalaki sa buhay niya si Lolong, Ruru Madrid! 

Nang umakyat si Ruru ay mahigpit ang kanilang yakapan.

Tilian ulit ang fans.

Ang Beau­tederm pa lang ata ni Ms. Rei Tan ang nakakapagpa-meet-and-greet ng ganito ka-massive dahil talagang isinara ng ibang store ang door nila na malapit sa entertainment area para nga hindi sila maistorbo sa rami nang mga taong dumagsa noong Linggo ng hapon.

 

vuukle comment

CLOVERLEAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with