^

PSN Showbiz

Zia, mahusay na ring mag-horseback

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Zia, mahusay na ring mag-horseback

MANILA, Philippines — NAGMANA yata sa inang si Marian Rivera ang tapang ng anak na si Zia nang effortless itong mag-horseback riding kahit may umaalalay sa kanya, huh!

Inilabas ni Marian sa kanyang FB ang pagsakay sa kabayo ni Zia at humanga ang netizens kay Zia sa husay niyang mangabayo! Very graceful ika nga ng ilang netizens.

Six years old pa lang si Zia pero ang dami na nitong natututunan!  Nagpipinta, nagpi-play ng musical instruments, kumakanta, at may mga alam nang mga sayaw, huh!

Bago ang pagsakay sa kabayo, ipinasyal din ni Yan ang magkapatid sa isang museum sa Taguig City kung saan namangha sila sa ilang science exhibits, huh!

Nakakatuwang malaman na sa murang edad eh marami nang natutunan si Zia and soon, tiyak na susunod na si Sixto!

Toni, pasabog ang interview kay PBBM

Pasabog agad ang unang handog ni Toni Gonzaga sa AllTV ng AMBS Network ng Villar!

Ito ay ang one on one interview with President Bongbong Marcos, huh! Alam naman natin kung gaanong kalapit ni Toni kay PBBM kaya siguaradong walang hirap na nakakuha siya ng schedule sa kanyang Ninong.

Balitang ngayong araw ang launching ng All TV. Channel 2 ang gamit nito dahil sa bagong network napunta ang nawalang franchise ng ABS-CBN.

Base sa naglabasang reports, pumirma na rin sa AllTV sina Mariel Padilla, broadcaster na si Anthony Taberan, Direk Paul Soriano and soon, mas marami pa raw Kapuso at ­Kapamilya celebs na magiging bahagi ng bagong network, huh!

MARIAN RIVERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with