Talagang ang tigas ng ulo ko. Tinitiis ko ang sakit ng pag-alis sa catheter ko at ayaw kong uminom ng pain reliever, kaya ‘magdusa ka, Lolita,’ ang image ko.
Kaya halos hindi ako makatulog ha kaya tumaas tuloy ang blood pressure ko.
Ang taas ng tolerance ko sa pain, pero hindi ko kinaya ang sakit ha.
Kaloka talaga, hah hah hah.
Naku, talaga lang isang malaking dusa ang magkasakit.
At dapat talaga sumusunod ka sa doktor. Naku, balak na yata ng mga doktor ko na iwanan ako, hah hah, dahil matigas ang ulo ko. Pero ngayon ko talaga na-realize na ang doktor ang buhay mo ‘pag meron kang sakit.
Samantala, tulad ni Bong Revilla, hindi rin sumunod sa order ko na ayaw ko ng dalaw si Alfred Vargas, Salve. Talagang habang nasa dialysis room ako nandu’n at nanonood si Alfred sa akin.
Kaloka.
Natutuwa ako dahil balik-showbiz na si Alfred sa GMA 7. Matagal ding nagtiis si Alfred na huwag gumawa ng anumang project dahil nga sa pagtulong kay PM Vargas sa political career nito.
Ito ang mas victory para kay Alfred, ang tagumpay ni Cong. PM.
Isa sa pinaka-active na congressman natin si Cong. PM na tuwang-tuwa naman si Alfred dahil alam niya na isang mahusay na public servant ang batang kapatid.
Bongga ang pamilya ng mga Vargas, kaya sure kami na very happy ang parents nila in heaven na makita ang mga tagumpay ng naiwan nilang mga anak.
Congrats, Cong. PM at mahal kong Alfred. Tuluy-tuloy na ang inyong tagumpay.