Aktres, na-bash-bash dahil sa prank ng staff!

Balak ng premyadong aktres na mag-complain sa bosses ng isang network dahil sa napahamak siya sa vlog ng isang staff ng drama series na ginagawa nila.

Pantanggal ng bagot sa lock-in taping, naisip ng isang staff na naki­pag-close kay aktres na mag-vlog. Ang magandang ideya niya, i-prank daw nila ang lead actor na kunwari’y tatarayan niya ito.

Natulala si aktor pagkatapos nilang mag-take ay sinabihan ni aktres ng “you need more acting workshops.”

Narinig ng ilang nakasaksi, kaagad tsinismis.

Hindi alam na bandang huli ay nalaman ni aktor na prank lang pala.

Napag-usapan sa social media, itong si aktres ang na-bash nang bonggang-bongga.

Kaya sinabihan niya itong si staff na ayusin niya ‘yun. Kung hindi siya maabsuwelto sa isyung ‘yun, ipaparating daw niya sa mga boss para maghain ng reklamo.

Nilinaw nitong premyadong aktres na isa siya sa sumusuporta sa mga artistang ngayon pa lamang niya nakasama.

Never daw siyang nanlalait o nagmamaliit ng kapwa artista.

Sa totoo lang, may ilan talagang napapahamak nitong mga prank sa vlog.

Kaya ingat-ingat din, lalo na’t nagkalat ang mga Marites.

AQ Prime, napapansin na

Isang buwan na ang lumipas nang pormal na nagsimula ang AQ Prime streaming app, at masayang ibinalita ni Atty. Aldwin Alegre na maganda ang pasok ng subscribers at unti-unti nang napapansin ang kanilang streaming app.

“Good news kasi ang AQ Prime, nag-go live tayo nung last month Aug. 8, and now bale ito ‘yung monthsary.

“So, probably in the next few hours we’ll be announcing some milestones na within that period, ‘yung one month period kung ano ‘yung mga nangyari. Ilan na ‘yung mga subscribers natin and na-produce, ‘yung mga nagawa,” pahayag ni Atty. Alegre sa nakaraang press preview ng bagong pelikulang Pula ang Kulay ng Gabi na dinirek ni Jojo Nadela ng GMA 7.

Ang ikinatuwa pa ni Atty. Alegre, kahit paano ay may naiambag naman daw sila sa entertainment industry.

Marami pa raw silang naka-line up na dapat abangan sa kanilang streaming app.

“Patuloy tayong gagawa ng mga quality film and mga movies na ikatutulong sa industriya ng bansa, ng Pilipinas.

“And considering na meron po tayong homegrown AQ artists, talents. Patuloy natin silang i-develop, ima-manage, para ma-improve ‘yung kanilang mga skills, ang kanilang mga itinatago nila diyan, kailangan nang ilabas. And at the same time, since this is the long term plan for the company, and of course as a whole, meron tayong mga diversification na gagawin, the strategies.

“For example, within the year, we will be launching AQ Prime Music. We will venture in that specific segment or sector. So, ‘yun po ang isa sa mga example na nandito po ‘yung AQ Prime para tumulong sa industriya natin, sa movie industry, sa music and entertainment industry,” dagdag niyang pahayag.

Proud si Atty. Alegre sa mga mapapanood sa AQ Prime at isa na nga rito ang itong Pula ang Kulay ng Gabi na pinagbibidahan nina Aljur Abrenica at Yanna Fuentes, kasama sina Zia Zamora at Soliman Cruz.

Mag-streaming na ito sa Sept. 10.

Show comments