Nanay ni Heart, nagsalita sa hiwalayan nila ni Chiz
To the rescue ang nanay ni Heart Evangelista na si Cecilia Ongpauco!
Hanggang ngayon, tikom pa rin ang bibig ng mag-asawang Senator Chiz Escudero at Heart sa totoong estado ng kanilang relasyon. Kaya nagsalita na ang ina kahit wala itong detalye.
Mababakas ang damdamin ng isang ina sa pahayag ni Ongpauco na naglabasan sa social media.
Quoted siya sa isang online story na, “It’s their private life so I’m just praying for them.
“I know they will be okay. I’ve known Chiz to be mature and grounded person that’s why I am happy for my daughter.”
Hayan, huh! Nagsalita na ang ina ni Heart na magiging okey rin sila.
So, may problema ba talaga, Salve A.?
Rhian, rater
Rater pa rin talaga si Rhian Ramos.
Imagine, ang first part ng kanyang Magpakailanman episode ay pinadapa kalaban nito.
Ngayong Sabado ang part 2 ng episode ni Rhian titled A Mother’s Triumph: The Pia Pascual Hugo Story.
- Latest