Barbie, magaling na ang sugat sa hiwalayan nila ni Diego

Barbie
STAR/ File

Tuluyan nang naka-move on si Barbie Imperial mula sa naging hiwalayan nila ni Diego Loyzaga ilang buwan na ang nakalilipas. Pebrero nang pumutok ang balitang nagkahiwalay na ang dalawa.

Matatandaang nabanggit ng aktres sa isang pahayag kamakailan na hindi pa rin nawawala ang sakit na kanyang nararamdaman dahil sa kinahinatnan ng relasyon nila ng dating nobyo.

Ngayon ay maayos na raw ang lagay ng puso ni Barbie. “Last month lang before my birthday. Kasi nalaman ko na hindi pa ako fully healed. Kasi no’ng nag-break kami ng ex ko parang I tried to go out with someone. Date lang walang anything, walang label. Tapos na-feel ko na, ‘Ay! Hindi ko pa kaya.’ So medyo nag-hold back ako. Tapos sinabi ko sa guy na, ‘Sorry, I am not ready pa pala. Parang I need to heal myself first bago ako pumasok sa bagong relationship.’ Kasi it’s very important na buo ka, mag-heal ka muna alone. Kasi masasaktan mo ‘yung ibang tao if you don’t heal. So ngayon fully healed na ako,” makahulugang pahayag ni Barbie.

Naikwento rin ng dalaga noon na madalas pa rin siyang umiiyak dahil sa naging hiwalayan nila ng aktor.

Naramdaman noon ni Barbie na si Diego na ang kanyang makakasama sa habambuhay pero hindi na ito nangyari.

Ngayon ay maganda na ang bawat gising ng aktres sa umaga. “Minsan kasi gigising ka na lang akala mo okay ka na. Tapos paggising mo, ‘Ano ba ‘yan? Hindi pa pala.’ Lately okay naman po ako na gumigising,” pagtatapat ng aktres.

Marjorie, agad pinayagan magpa-sexy si Julia

Simula Sept. 14 ay mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang Expensive Candy na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Carlo Aquino.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagpaseksi ang aktres sa isang proyekto.

Ginagampanan ni Julia ang karakter ni Candy na isang sex worker kaya maraming mapangahas na eksenang nagawa ang dalaga.

Ipinagpaalam pa umano ni Julia sa inang si Marjorie Barretto bago tanggapin ang naturang pelikula.

Ayon naman kay Marjorie ay agad niyang pinayagan ang anak pagkatapos basahin ang script ng Expensive Candy. “I read the script of Expensive Candy and I approved it. You raise your kids and you just wish that they are wise enough to make decisions. Julia is 25 years old, I trust her. Ang ganda ng script ng Expensive Candy. This is Direk JP (Laxamana) and Carlo Aquino. How can you go wrong?,” nakangiting pahayag ni Marjorie.

(Reports from JCC)

Show comments