Sen. Bong, handa na sa kanyang birthday bash!

Handang-handa na si Senator Bong ­Revilla, Jr. sa kanyang birthday giveaways!

September 25 ang kaarawan ni Senator Bong at sa kanyang Official Facebook page, may tea­ser video na siya ng announcement ng kanyang birthday event.

Wala pang detalye kaugnay nito kaya aba­ngan ninyo ang lahat sa official page ng FB ­account ng poging senador!

Siyempre pa, isang malaking event taun-taon ang birthday ng senator na ang layunin ay makapagbigay ng kasiyahan at tulong sa ating mga kababayan, huh!

TVJ, kumpleto na sa Net 25

Kumpleto na ang legends na sina Tito, Vic and Joey sa Net 25 dahil may sari-sarili na silang TV show sa network.

Unang nagkaroon ng show si Joey. Nitong nakaraang mga araw, ay si Vic naman ay inilabas na last Sunday ang sitcom ni Vic kasama ang asawang si Pauleen and yes, anak na si Tali.

Titled Love, Bosleng and Tali na tuwing Sunday napapanood.

Isa namang issue-oriented show ang ihu-host ni Senator Tito.

Kahit may kanya-kanya nang show sa Net 25, regular pa ring napapanood sa Eat Bulaga ang Tito, Vic and Joey! 

Show comments