Sexy star, nabibigatan na sa pinaretokeng boobs!

Gusto na raw ipatanggal ng isang sexy star ang idinagdag na sa boobs niya!

Nabibigatan na raw siya lalo na ‘pag may love scene siya sa ginagawang movie.

Malakas ang appeal ng mga babaeng sexy na malaki ang boobs kahit hindi masyadong kagandahan! ‘Yun nga lang, nakakasagabal din minsan kapag masyadong malaki ang boobs ang isang artista.

Nauso na noon ‘yung pagpaparetoke ng boobs sa dating sexy stars. Pero kalaunan ay nagsawa rin sa malalaking boobs ang sexy stars kaya pinatatanggal ang idinagdag.

Eh ang mga lalaki pa naman ngayon, alam nila kung retoke o natural ang boobs ng isang babae, huh!

Totoo ba na matigas ang boobs kapag retokada ito, Salve A.?  Ha! Ha! Ha!

(Ah parang ‘di naman, tito. Hahaha. - Salve)

Julia, napiga ni direk Jason

Malaking hamon para kay Julia Barretto na akitin ang moviegoers sa Sept. 14 pumasok sa sinehan at panoorin ang Viva movie niyang Expensive Candy.

Eh sa ngayon, tanging ang Viva movie na Maid In Malacañang lang ang local movie na pinanood ng mga tao sa sinehan kaya kumita ito ng mahigit P500 million, huh!

Of course, sexy si Julia sa movie. Magaling din ang kapareha niyang si Carlo Aquino. Maganda rin ang kuwento at direksyon ni Jason Paul Laxamana.

Present sa successful preem ng movie ang mother ni Julia na si Marjorie Barretto at ilang kaibigan sa showbiz.

Napiga naman ni direk Jason si Julia pagdating sa mga intense na eksena nila ni Carlo, huh!

Show comments