Komedyanteng pasikat, biglang nag-iinarte sa trabaho
Pinag-uusapan pala ng ilang production staff itong comedienne na unti-unti nang sumisikat.
Ang laki na raw ng ipinagbago, porke’t magiging bida na siya sa isang drama series.
Dati naman daw kapag iniimbita siyang mag-guest sa isang show, kaagad na okay at walang dramang itsi-check pa ang script at walang bawal-bawal.
Ngayon ay inaalam pa kung ano ang gagawin, at pinapa-approve pa sa ilang manager.
Ang dami na kasing nagdi-decide para kay comedienne, kaya natatagalan bago mapa-oo.
Pero ang ikinawindang ng mga staff, sinabi raw ng handler ni comedienne hindi siya puwedeng lumabas sa programang rated SPG.
Kapag Strictly Parental Guidance, puwedeng may mga eksenang hindi ganun ka-wholesome at hindi raw puwede doon si comedienne.
Talagang binago ang image, dahil iba na siya ngayon.
May title na siya, at bibidahin na.
Medyo naninibago lang daw ang production staff dahil hindi naman daw ganun kaarte ang nagha-handle sa kanya.
Wala na tayong magagawa, complete change of image na si girl, pero naaartehan na ang production staff sa kadramahan ng handler at mga nagma-manage sa kanya. Sana mapanindigan.
Paolo at Rico, kinasuhan sa pagsusuot ng uniporme ng sundalo
SAF, idinemanda ang pelikulang mamasapano!
Natapos na ang pelikulang Mamasapano: Now It Can Be Told na first production pa dapat ito ng Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio.
Wala pa silang playdate, pero target daw nilang ipalabas ito bago mag-Metro Manila Film Festival.
Tumatalakay ito sa pinagdaanan ng SAF 44 sa Mamasapano Massacre, pero ang ikinasama ng loob ni Atty. Topacio, kamakailan lang ay dinemanda pa pala sila ng SAF.
“Nung una, very cooperative ‘yung SAF. Si Gen. Empiso ‘yung hepe. Nung nagpalit na, alam n’yo ano ang ginawa? Dinemanda pa kami ng SAF! Kami mismo ha? ‘Yung film namin para i-glorify ‘yung kabayanihan ng SAF. Dinemanda pa kami ng SAF!
“Alam n’yo kung ano ang demanda? Illegal Use of Uniform and Insignia!,” bulalas ni Atty. Topacio.
Nakakahiya pa raw sa mga artista niya, dahil nadamay pa ang mga nagsuot nung uniform.
Kailangang humarap pa raw sa hearing sina Paolo Gumabao at Rico Barrera.
“Ipinakita namin sa kanila sa piskalya. Ito may permiso kami kay Gen. Empiso. Ano ba ‘yung mga pinagsasabi n’yo? Hindi n’yo ba alam ang ginagawa n’yo? Nakakainsulto kayo. Idedemanda n’yo pa si Paolo Gumabao!
“Idinemanda nyo ang mga artista namin, si Rico Barrera? Pambihira naman kayo. Ang mga taong ito, nagsakripisyo sa initan, sa maisan, para i-uplift ang kabayanihan ng SAF, idedemanda n’yo?,” dagdag niyang himutok.
Hindi pa raw tapos at dinidinig pa ang naturang kaso, na ikinalungkot ng mga artista niya.
“Ongoing pa! Nakita n’yo ang katarantaduhan ng…
“Siyempre hindi sila natutuwa!
“Anyway, I’m protecting them, I gave them lawyers. Nakita n’yo ha? Additional abala pa. Pinapunta pa nila dun si Paolo sa ano, sa piskalya! Eh bising-busy ‘yung tao ‘di ba?,” dagdag niyang pahayag.
Since nabanggit itong demanda, nag-emote uli si Atty. Topacio dahil hindi pa rin daw na-raffle sa korte ang kasong Rape na demanda ni Deniece Cornejo laban kay Vhong Navarro.
Nag-file ng Motion for Reconsideration ang kampo ni Vhong, at ‘yun ang nagpa-delay.
Hindi naman daw ang Motion for Reconsideration ang dahilan para i-delay ang pag-raffle. Kahit daw may MR ito, dapat na ira-raffle dahil umakyat na raw sa korte ang kaso.
“Ayokong maghaka-haka. Kami lang, nakikiusap kami dun sa executive judge — let justice take its course. Eight years na naming hinintay ‘to. Do we have to wait another eight years? Huwag naman!
“Kasi, noong na-charge sina Cedric Lee, sina Zimmer Raz, sina Deniece Cornejo na serious illegal detention, nag-MR din kami pero ni-raffle.
“Inaresto rin sila, ‘di ba? Sumuko si Deniece. Naaresto sina Cedric. Sumunod kami sa proseso. Dapat sumunod din sila sa proseso.
“Iyong MR, it does not operate as a stay dun sa raffle. Kasi ang raffle, automatic ‘yan as a matter of course.
“’Pag hinain iyan ng piskalya, inilagay sa list of cases to be raffled, ira-raffle ‘yan. So hopefully by tomorrow, sana.
“Para naman equal justice under the law. ‘Yung prosesong ginawa sa amin, gawin din kay Vhong Navarro!
“Hindi naman pwede porke artista ka, hindi na masusunod ‘yung proseso.
“E, ‘pag mahihirap na mga kababayan natin, mabilis, e. Napa-file, nawa-warrant. O, e, bakit naman kay Vhong, nagtagal-tagal?,” tuluy-tuloy na himutok ni Atty. Topacio.
- Latest