^

PSN Showbiz

Janella, naimpluwensyahan ng ina!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Janella, naimpluwensyahan ng ina!
Janella Salvador.

Ilang buwan nang napababalitang nagkalabuan na umano ang relasyon nina Janella Salvador at Markus Paterson.

Matatandaang nagsama sa iisang bubong ang magkasintahan mula nang nagbuntis at nanganak ang aktres noong 2020.

Ngayon ay magdadalawang taon ang anak na si Jude Trevor at kumpirmadong nagkahiwalay na sina Janella at Markus. Kahit abala nang muli sa pagtatrabaho ay sinisikap ng aktres na matugunan ang lahat ng pangangailangan ng anak sa araw-araw. “Being a single mom, talagang nilalaban ko ‘yon. At the end of the day, alam kong kaya ko naman siya. As much as I love the people around me who are always there to help me. I always want to know na kaya kong gawin. I can rely on myself na hindi ko kailangang humingi ng tulong sa iba,” makahulugang pahayag ni Janella.

Malaki ang naging impluwensya sa aktres ng inang si Jenine Desiderio dahil mag-isa rin nitong pinalaki ang mga anak. “I saw my mom growing up kung paano siya. She was able to raise us on her own. So siguro na-embody ko rin kung paano siya. I wanted to be independent as well,” giit ng aktres.

Gabi-gabing napapanood ngayon si Janella bilang si Regina at Valentina sa Mars Ravelo’s Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon.

Para kay Janella at talagang malaki ang pagkakahawig ng karakter na ginagampanan sa kanyang personal niyang buhay. “Relate ako kay Regina ‘pag meron siyang ipinaglalaban. As long as alam niyang nasa tama siya, ilalaban niya talaga. Gaon’n ako as a person as long as wala akong natatapakan. Kasi I like learning, I like challenging myself,” pagtatapos niya.

Karina, naghahanda na sa pagiging bida

Mag-aapat na taon nang aktibo sa show business si Karina Bautista.

Matatandaang nagsimula ang aktres bilang housemate sa Pinoy Big Brother: Otso edition. Mula noon ay hindi pa nararanasan ni Karina na makapagbida sa isang malaking proyekto. “Now na hindi ko pa nakukuha lahat ng proyekto na gusto ko makuha like pagiging bida ay hinahanda ko naman ang sarili ko in case the role for me comes. Pero ‘yung Viral Scandal kasi, it has taught me a lot of things and I’m super thankful for that. Nag-grow talaga ako as an actress as you’ve seen from the first scenes hanggang the end. Nando’n ‘yung growth and improvement, both in my personal life and as an actress,” paliwanag ni Karina.

Kahit hindi pa nakapagbibida sa isang teleserye ay masaya pa rin ang dalaga dahil ngayon ay muling naging host ng Bida Star Versus na nagsimula na kahapon.

Para sa aktres ay hindi siya dapat mainip kung kailan mararanasang maging bida. “Hindi naman ako nagmamadali sa pagiging bida. I enjoy this phase and ie-enjoy ko na lang din muna. Minsan mapapatanong ka but not to the point na super nao-obsess ako. If it will happen, it will happen. I just let things be. But of course, I still improve myself naman,” pagtatapat ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with