MANILA, Philippines — Hindi pinalampas ng Kapuso viewers ang pagsisimula ng biggest reality game show ng GMA Network na Running Man Philippines nitong weekend.
Humataw ito sa TV ratings ayon sa TAM data ng Nielsen Philippines. Pumalo ito ng people rating na 14.1 percent sa National Urban TV Audience Measurement preliminary/overnight data noong September 3 habang nagtala ito ng people rating na 14.4 percent noong September 4.
Hindi nga binigo ng Pinoy Runners na patawanin ang netizens at manonood sa kanilang first two episodes.
Bukod dito, nag-trending din ang reality show sa Twitter Philippines kung saan pinaka pinag-usapan ang cast members na sina Ruru Madrid at Kokoy de Santos.
Maki-join sa laughtrip at kulitan ng Runners sa Running Man Philippines, tuwing Sabado at 7:15 PM at Linggo at 7:50 PM sa GMA.
Finale ng apoy sa langit, tinutukan!
Phenomenal ang naging pagtatapos ng top-rating GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Langit noong Sabado, September 3.
Nagtala ang serye ng overnight people rating na 10 percent sa National Urban TV Audience Measurement base sa ratings data ng Nielsen Philippines.
Bukod dito, pinag-usapan at tinutukan din ito online. Umabot na sa 4M views and counting ang naturang episode sa Facebook page ng GMA Drama.
Sa pagwawakas ng top-rating na programa, napanagot sa batas at nakulong sina Cesar (Zoren Legaspi) at Edong (Carlos Siguion-Reyna) matapos ang mga nagawa nilang krimen.
Napatawad naman at muling tinanggap nina Gemma (Maricel Laxa) at Ning (Mikee Quintos) si Stella (Lianne Valentin). Nagkaroon din ng happily ever after ang bagong kasal na sina Ning at Anthony (Dave Bornea).
For sure, maraming makaka-miss sa dekalibreng pagganap ng buong cast sa kanilang mga karakter na naghatid ng iba’t ibang emosyon sa Kapuso viewers.