Janella, kinumpirmang single mom na!
Siguro nga nadadala ng mga pangyayari sa paligid kaya parang ang daming naghihiwalay.
Kahit matagal nang isyu na hiwalay na sina Markus Paterson at Janella Salvador a.k.a Valentina, ngayon lang nakumpirma na single mom na nga si Janella nang interbyuhin siya si Bernadette Sembrano sa kanyang vlog kung saan tinanong siya kung anong huling bagay ang ipinaglalaban niya : “Being a single mom.”
Talaga raw ilalaban niya ‘yun dahil alam niyang kaya niya ‘yun.
“As much as I love the people around me who are always there to help me, I always want to know na kaya kong gawin. I don’t want it to sound bad kasi, pero I can rely on myself na hindi ko kailangang humingi ng tulong sa iba.”
At aniya, gusto niyang maging independent katulad ng kanyang inang si Jenine Desiderio na napalaki sila ng kanyang brother na siya (ina) lang.
Samantala, naganap na ang inaabangang transformation ni Janella bilang Valentina na kaaway ni Darna sa Mars Ravelo’s Darna.
Bagama’t may ilang hindi nagustuhan ang outfit niya bilang Valentina, sinabi naman ni Janella na “Special announcement for the vadengs: That wasn’t V’s final costume. Don’t worry. We gotchu.”
Pinakialaman kasi pati ang kanyang lipstick at kulay ng mata bilang si Valentina. Kaya ngayon inaabangan ng fans kung magkakaroon ba ng pagbabago sa kanyang hitsura.
- Latest