Heaven, binabalanse ang buhay!

Heaven Paralejo.

Kamakailan ay muling nagbida si Heaven Peralejo sa Maala­ala Mo Kaya. Para sa dalaga ay palaging nasusubukan ang kanyang kakayahan bilang isang aktres sa tuwing gagawa ng MMK episode. “’Yung MMK kasi iba ‘yung puso, iba lahat. Physically ilang araw lang kami and talagang bakbakan and kailangan bigyan ng justice. But I still think na papunta pa lang ako do’n. Madami pa akong pagdadaanan kumbaga. Hindi naman dahil naka-MMK na ako, I can call myself as as actress,” paliwanag ni Heaven.

Taong 2016 pa nang unang makagawa ng episode ang aktres para sa naturang drama antholo­gy. Mula noon ay hindi raw talaga matanggihan ni Heaven kapag may alok ang MMK sa kanya. “I always say yes because one, nakaka-challenge ‘yung mga binibigay nilang roles. You get to push your limits also. Swerte sa akin ‘yung MMK kasi every time nag-e-MMK ako, dire-diretso na ‘yung blessing ko afterwards. Aside from that, it’s the team, you get to work with different actors and directors and I’m just happy and lucky na binigyan nila ako ng platform to showcase my creativity,” paglalahad niya.

Samantala, mayroong mga natutunan si Heaven para sa sarili at mahal sa buhay ngayong may pandemya pa rin sa bansa. “This year ko lang din na-discover of how important it is to take care of your health and your gut. Kasi ‘di ba si mommy medyo mababa ang immune system and ayaw ko din naman na gano’n din ang mangyari sa akin since health is wealth. Sayang ‘yung pinagtatrababuhan nating lahat kung mapupunta lang din sa ospital. So ngayon work lang nang work and balance lang with my lifestyle and work,” pagbabahagi ng aktres.

John, pangarap maging Juan Luna

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto muling makagawa ni John Arcilla ng isang makabuluhang pelikula. Matatandaang gumanap si John at nanalong Best Actor bilang si Antonio Luna sa pelikulang Heneral Luna noong 2015.

Nangangarap naman ang aktor na gumanap bilang kapatid ni Antonio na si Juan Luna. “’Yung mga gano’ng istorya na may iba’t ibang karakter na naging prominente sa buhay ng isang tao sa isang lugar, sa isang bansa. Kung paano niya naimpluwensyahan ang maraming tao para magbago ang isang institusyon,” nakangiting pahayag ni John.

Matatandaang tumatak sa mga manono­od ang pagiging kontrabida ng aktor sa FPJ’s Ang Probinsyano na nagtapos kamakailan lamang.

Ngayon ay gustong gumawa ni John ng iba’t ibang karakter na malayo kay Renato Hipolito na kanyang ginampanan sa nagwakas na serye. “Gusto ko lang iba-iba para exciting. At saka gusto ko na ang mga gagawin ko ay makapagbigay ako ng lessons sa mga manonood, na maka-touch ka ng puso ng iyong kapwa o makapag-liberate ka ng isipan ng iyong mga manonood. Mabago nila ang kanilang buhay,” makahulugang paliwanag ng premyadong aktor.

(Reports from JCC)

Show comments