^

PSN Showbiz

Ber months, sasalubungin sa ASAP

Pilipino Star Ngayon
Ber months, sasalubungin sa ASAP
SB19.

‘Ber’ months na at may inihandang mga maagang pamasko ang Kapamil­ya stars live na live ngayong Linggo (Setyembre 4) sa ASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Tutukan ang inaabangang ASAP comeback ng Kapamilya singing heartthrob na si Inigo Pascual, habang may back-to-back P-Pop pasabog pa ang BGYO at SB19.

Damhin nang maaga ang Pasko sa Christmas hits sayawan at kantahan nina Kyle Echarri, Jason Dy, Nyoy Volante, Karina Bautista, Krystal Brimner, Vivoree, Joao Constancia, Jin Macapagal, Jeremy G, Jameson Blake, Edward Barber, BINI, at ng buong ASAP Natin ‘To family kasama sina Robi Domingo at Luis Manzano.

May mainit na dance showdown naman sina Chie Filomeno at ASAP dance royalty na si Kim Chiu kasama ang D’Grind, habang hindi rin pahuhuli sa hatawan sina AC Bonifacio at Maymay Entrata.

Makiawit din sa Olivia Rodrigo hits kantahan nina Zsa Zsa Padilla, Regine Velasquez, Alexa Ilacad, Anji Salvacion, Loisa Andalio, Kla­risse de Guzman, at Gigi de Lana.

Abangan din ang trio performance nina Darren, Morissette, at Concert King Martin Nievera, at ang espesyal na musical act mula sa next-generation hitmaker na si Paolo Sandejas kasabay sina Moira dela Torre at Janine Berdin.

At pakatutukan ang bonggang duet tapatan nina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Gigi de Lana, Jed Madela, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez kasama ang New Gen Birit Idols na sina Reiven Umali, Fana, Elha Nympha, JM Yosures, Sam Mangubat, at Sheena Belarmino sa The Greatest Showdown.

Huwag palampasin ang mga maagang pamaskong handog ng longest-running musical variety show sa bansa, ang ASAP Natin ‘To, live na live ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

ASAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->