Nabigla ako sa tawag ng nanay ng child star na si Ryzza Mae Dizon.
At lalo akong nagulat nang dumating ang box of fruits at red envelope.
Bongga, out of the blue, after so many years.
Iyan ang maganda ‘pag meron kang manager na tulad ni Malou Choa Fagar. Malaking bagay sa isang artista na meron siyang ka-team na mag-aalaga sa kanyang image.
Sabi nga ni Malou ‘yung ginawa ko for Ryzza Mae ay totoo naman.
Na sinulat ko na ‘di man lang siya nakaalala samantalang halos isang taon siyang tumira sa aking condo unit sa Imperial na walang bayad.
Usually kasi kahit hindi mo kilala ang artista, basta close ka sa manager nito madali ang usapan.
Kahit medyo na-off ako noong una, natuwa ako sa gesture ng nanay ni Ryzza Mae.
Kasi nga baka noong hindi siya nakatawag baka hindi niya alam ang phone o nahihiya rin siyang tumawag.
All is well that ends well. Basta, Ryzza Mae, habang nandiyan si Malou Choa Fagar nakasandal ka sa pader.
Kaya lang ang pakiramdam ko, parang feeling ko charity patient ako.
Imagine merong nag-aalok magbayad ng kidney transplant, magbayad ng dialysis, at mga gamot ko. Kulang na lang may mag-alok na siya na lang magdadala ng sakit ko, hah hah.
Siguro nga in my life kahit naging naughty ako may nagawa akong maganda kaya ngayon marami ang nais tumulong.
Salamat talaga. Talagang very full ang puso ko sa nadarama kong pagmamahal.
Very grateful.
Para sa isang 75 years old na ngayon lang nagkaroon ng seryosong sakit, malaking bonus na ito. Kaya ko ito at tanggap ko.
Walang bitterness sa puso ko, kaya gusto ko ganun lagi ang pakiramdam ko, walang galit dahil maysakit ako. Ayaw ko pa ba na sa edad ko ngayon lang ako nagkaganito.
Bongga, ‘di ba, buong buhay ko ok ako, late na dumating ang sakit, bonus talaga.