Janelle, may problema sa pera!
Dahil sa problema sa pera, may mga taong nakagagawa ng taliwas sa kanilang karakter para masolusyonan ito.
Pero minsan ito ay panandaliang ginhawa lamang at may panibagong pagdurusang pagdaraanan.
Ganito ang kwento ni Anna Clemente sa four-part Vivamax original series na An/Na, mula sa direksyon at panulat ni Jose Javier Reyes.
Ito ay pinagbibidahan ni Janelle Tee at magsisimula sa Sept. 25, 2022.
Si Anna ay isang simpleng empleyado kung saan iba’t ibang produkto ang binebenta, hindi nga lang sapat ang kinikita nito.
Tumutulong siya sa pamilya ngunit hindi nakababayad ng tama sa kanyang upa.
Mapipilitan siyang maghanap ng “easy money” at ito ay ang pagpasok sa prostitusyon.
Dito, ang pangalan niya ay Mei Ling.
Sa pagsiping niya sa iba’t ibang lalake, paano nila maaapektuhan ang buhay ni Anna?
May patutunguhan pa kaya ang relasyon niya sa kanyang long distance boyfriend na si Guido na ginagampanan ni Greg Hawkins.
Si Migs Almendras ay gumaganap na si Jason, ang nagpasok kay Anna sa agency. Matagal na rin itong sex worker.
Si Guji Lorenzana ay si Benedict, pamilyado ngunit kliyente ni Anna.
Si Fabio Ide ay si Virgil, ang boss ni Guido na magiging kliyente rin ni Anna.
Siya na ba ang magsisiwalat ng sikreto ni Anna?
Si Rolando Inocencio ay si Atendido, isang imbestigador na maraming matutuklasan.
Samantala, si Rob Guinto ay gumaganap bilang si Eunice, ang best friend ni Anna. Dahil siya mismo ay liberated na tao, mauunawaan niya ba si Anna o magiging mapanghusga ito?
Tutukan ang bawat episode ng An/Na at saksihan ang kanyang pakikipagsapalaran hanggang sa nakaaantig na pagtatapos.
- Latest