Maswerte ako kasi hindi ko kinailangan noon magtrabaho para lang makapagtapos ng pag-aaral. (so, drama ito?!) Sinigurado noon ng papa ko, (tatay ko ha!) na maibigay sa aming magkakapatid ang magandang edukasyon habang s’ya ay nagsusumikap bilang OFW sa Saudi Arabia. ( pang- MMK ba ito?!) Kaya saludo ako sa mga estudyanteng tinulungan ang kanilang magulang at ang kanilang sarili para maitawid ang kanilang pag-aaral. Hindi ‘yun madali, pero siguradong pinatibay sila ng sakripisyong ‘yun. Tulad na lamang ni Ruel Rada na namasukan bilang security guard sa loob ng walong taon para mapag-aral ang sarili. (dapat minessage mo na lang ako, bro!)
“Inabot din ng ilang taon bago ko natapos ‘yung course ko, kasi syempre paiba-iba schedule ko sa binabantayan kong industrial park sa Cavite. Pero gusto ko talaga makapagtapos ng pag-aaral kaya pinagsumikapan ko. “ Kwento ni Ruel. (dapat pala tumambay ako sa park na ‘yan para nakilala kita!)
Bachelor of Science in Industrial Technology major in Architectural Drafting ang tinapos n’ya sa Earist Cavite. Ito ang nagbukas ng pinto para sa kanya na makapagturo ngayon sa mga estudyante. (turuan mo ko ako, bro!)
“Nagtuturo po ako ng Autocad. Interior at Exterior Design. Nakakapagturo rin po ako ng iba pang subjects na basta po related po sa drawing. “ Sabi ni Ruel. (gusto ko maka-relate pa sa’yo.. ‘yung parang relasyon, bro!)
May pagka-showbiz na rin ngayon itong si Ruel. Maliban sa sumasali s’ya sa mga Male Pageants at paminsan minsan ay sumasalang sa mga indie films, sumasabak rin s’ya sa pagra-rap. Ang ginagamit n’yang pangalan bilang musikero ay Ibor Saka-lam. (malakas ka ba talaga, bro?!)
“Idol ko kasi si Robin Padilla. Kaya naisip ko nung una Robi. Pero uso kasi ‘yung binabaligtad, kaya Ibor tapos ‘yung Sakalam.” Paliwanag ni Ruel. (kahit pagbali-baligtarin mo pa ako, bro!)
Nagsimula s’ya bilang tagasulat ng kanta ng kanyang nakakabatang kapatid na nag-introduce sa kanya ng rap. Pero binawian ito ng buhay at ‘di na nito natuloy pa ang karera.
“22 years old lang s’ya nung ma-depress dahil sa love life. Napabayaan n’ya ang sarili n’ya hanggang sa magkasakit. Kaya ako na lang nagtuloy nung nasimulan n’ya sa pag-ra-rap.” Pag-alala ni Ruel. (awwwww…koya…)
Ang 29 anyos na tubong Cavite ay desididong ibahagi ang kanyang kaalaman sa pagguhit sa mga nangangarap na estudyan-te at ang kanyang talent sa rap sa mga music lo-vers. “Gusto ko lang makapagbigay ng inspirasyon sa mga tao, sa simple kong pamamaraan. “ (inspired na inspired na ‘ko sa’yo bro!)
(MR.FU hosts on 91.5 Win Radio, 7pm-9pm, Mondays to Fridays. Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com)