‘Mahirap talagang magkasakit’

Bernard, Lolit, Dra. Nema at Nurse

Alam mo ba, Salve, na ang dialysis ay hindi preventive kundi para ma-prolong ang life mo.

Merong bad at good day sa dialysis sessions kaya iba-iba ang feeling mo ‘pag natapos ang treatment na ito.

May days na feeling mo na energized ka, feeling light ka. May days namang after dialysis you feel down at parang nanghihina ka.

Basta hanggang ngayon ang hindi nawawala sa akin ‘yung feeling na irritated ako bakit parang ‘yung iba ang ganda ng acceptance at ang saya habang nagda-dialysis.

Kaya sad at medyo galit ako nang makita ko isang old man na mag-isang nagpa-dialysis dahil walang makakasama sa kanya. Parang very pathetic, gusto mo pang ma-prolong ang life mo samantalang now pa lang wala nang oras para sa iyo ang mga kasama mo sa buhay.

Alam ko na marami sa friends ko ang nagdarasal para gumaling ako, like si Ed de Leon, salamat sa dasal. Sino bang tao ang ayaw mabuhay at sino bang maysakit ang ayaw gumaling. Pero ‘yung acceptance ng kung anong dumating sa iyo isa ring malaking bagay para maging magaan ang pagtanggap mo.

Lahat ng bagay na nangyayari wala sa iyo ang sagot, nasa kamay ni God. Kaya tanggapin natin nang walang question.

Isa lang bagay ang dapat huwag mawawala, ‘yung tiwala mo kay God na sa lahat ng bagay alam niya ang sagot. Na kung anumang ibinigay niya sa iyo alam niya na kakayanin mo.

So tanggap ko ang sakit ko, at tanggap ko kung anuman ang kapalaran ko.

Tatlo ang doktor ko, Dr. Florante Muñoz, Dra. Rowena Linga at Dra. Nema Evangelista. Dalawang beses ang dialysis session ko sa isang linggo, bantay-alaga ako sa FEU Hospital kung saan ako dinadala ‘pag kailangan kong ma-hospital.

Talaga lang ang hirap magkasakit, kaya please, sana gumaling na ako. Please.

Abot Kamay... kinasasabikan

Ang suwerte ng GMA 7, ha. Meron silang Lolong at Running Man, now meron pa silang Abot Kamay Na Pangarap na bida sina Carmina Villarroel at Richard Yap.

Maganda ring support na sina Andre Paras at Dominic Ochoa.

Talagang na-master na ng GMA 7 ang mga drama serye kaya naman exciting lahat ng palabas nilang drama.

Sure ako na isa na namang hit ang Abot Kamay Na Pangarap dahil ngayon pa lang marami nang excited na mapanood ito.

Show comments