Jose Mari Chan, na-busy ulit
Kakatawa ang mga meme kay Jose Mari Chan kahapon pa lang ng umaga.
Ginawan pa siya ng photo na nakakadena at nilagyan ng plaster ang bibig na animo’y kinidnap para raw hindi makawala at hindi magparamdam ngayong Sept. 1.
Flooded kasi talaga sa social media ang iba-ibang meme niya bilang pagsalubong sa Ber Months.
Ang Pilipinas ang sinasabing may longest Christmas celebration kaya’t pagpatak ng Sept. 1, maririnig mo na ang mga kantang Pamasko na ang national anthem ay ang Christmas in Our Hearts ni Mr. Chan.
At si Mr. Chan ang kumbaga ay nasa welcoming committee ng Christmas season sa Pilipinas.
Actually kung maniningil lang siguro siya sa bawat post sa social media pagpasok ng September, milyunan agad ‘yun.
Kaso sobrang yaman na ni Mr. Chan, kaya’t tiyak wala sa isip niyang maningil. #HelloSeptember.
- Latest