Bongga, patuloy pala ang paglakas ng Kapuso primetime series na Lolong na siya na ngayong most watched TV show ng 2022! Ayon sa TAM data ng Nielsen Philippines mula Enero 1 hanggang Agosto 14, 2022, nagtala ang nasabing Kapuso adventure-serye ng combined average people rating na 15.6 percent (GMA at GTV) sa Total Philippines – kaya naman ito ang nasa top spot ng mga pinaka-pinapanood na show sa nasabing period.
Pumalo rin daw ito ng combined (GMA at GTV) people rating na 18 percent sa National Urban TV Audience Measurement overnight ratings noong Aug. 23. Sinundan ito ng combined people rating na 18.3 percent noong Aug. 24. Nitong Huwebes (Aug. 25), naitala ng Lolong ang highest rating nito sa ngayon na combined people rating na 18.7 percent.
Marami na ngang viewers ang hooked sa kuwento ni Lolong na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.
Pati nga mga bata ay bukambibig na si Lolong at ang BFF nitong si Dakila.