Ate Vi at Nora, ayaw mamahinga!

Nora
STAR/ File

Mukha ngang na-encourage na ang film producers na magbalik sa produksiyon ng mga lehitimong pelikula na ang target ay ipalabas sa mga sinehan.

Iyan ay isang sign ng unti-unting pagbabalik sa normal ng industriya. Nasimulan lang ng isang pelikulang kumita, nakumbinsi na sila.

Napatunayan naman kasi na kahit na hindi maganda ang pelikula, nadaan sa marketing strategy, kaya ibig sabihin may pag-asa, eh di lalo na kung maganda ang pelikula.

Si Ate Vi (Vilma Santos), mukhang handa na ring magbalik talaga sa pelikula, pero ang iniharap daw sa kanya ay concept pa lamang.

Alam naman ninyo si Ate Vi kahit na noong araw pa kailangang mabasa muna niya ang script bago siya gumawa ng desisyon.

Iyon ding TV show na iniaalok sa kanya, noong una ay sitcom, pero mukhang may mas magandang idea kaya binabago pa raw ang format bago sila magharap na muli.

Hindi kaartehan iyan, dumating na kasi kay Ate Vi iyong status na dapat mamili siya kung ano ang gagawin niya para sa publiko, pero at the same time iniisip din naman niya kung magugustuhan ba iyon ng audience, dahil kailangan niyang bigyan ng proteksiyon hindi lamang ang status niya bilang isang aktres, kundi ganoon din ang record niya bilang box-office queen.

Si Nora Aunor, kahit na nga maliwanag na isang indie na naman ang kanyang sinimulan, at least may project siya.

Hindi kami naniniwala na makatutulong ang kanyang pagiging national artist diyan. Depende pa rin iyan sa projects na gagawin niya. Pero at least, iyong sinasabing dalawang malalaking aktres ng industriya may ginagawa.

Bakit iyong iba nagpiprinsinta na wala pang project? Siguro tala­gang laos na.

Derek, pinanghinayangan

Wala pa raw plano si Ellen Adarna na magbalik-showbiz. Ok lang iyon after all supporting roles lang naman ang kanyang ginagawa.

Ang nakakahinayang na hindi pa bumabalik simula nang magkaroon sila ng relasyon ay si Derek Ramsay, kasi may career talaga siya at hindi maikakailang siya ay isang box-office star noong aktibo pa siya, at bida siya.

Direk, Boy toy ang bold Indie star

Binitiwan na raw pala ni direk ang poging dancer na nasangkot pa noon sa isang mala­king controversy. May ilang factors, medyo matured na ngayon ang dating bagets na dancer at hindi na siya cute gaya ng dati. Pangalawa, alam naman daw ni direk na mahirap na siyang makakuha ng break sa showbiz dahil sa naging controversy niya noon.

Ngayon daw, si dating bagets ay isa na lamang gym instructor, at “suma-sideline” pa rin kung may matitisod. Pero kaunti lang iyon dahil nauunahan nga sila ng takot kay bagets, lalo na ngayong malaki pa ang katawan noon.

Basta sinakal ka noon talagang patay ka. Si direk, ang kasama naman ngayon ay isang bold indie star. Hindi na raw masyadong magastos i-maintain, may pakinabang pa.

Show comments