Kapuso Stars, rumampa sa Vogue Philippines gala night

Dingdong at Marian
STAR/ File

Nagbabaan ang halos malalaking Kapuso stars sa Vogue Philippines Gala Night nitong nakaraang mga araw. Ngayong araw na ito, Aug. 31, ang paglaban sa unang issue ng nasabing magazine.

Of course, present sa event ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Naka-post sa kani-kanilang Instagram account ng pictures ng look at suot nila sa okasyon.

Dumalo rin si Alden Richards at iba pang Sparkle artist gaya nina Ruru Madrid, Bianca Umali, Gabbi Garcia, Rhian Ramos at marami pang iba.

Cover material sina Dong at Yan kaya hindi kami magtataka kung bubulaga rin sila ng cover ng Vogue Philippines, huh!

KYLINE, GINULAT NI MAVY

Inilabas na ng Kapuso artist na si Kyline Alcantara ang kanyang vlog na inayos ng kanyang digital team.

Inakala ni Kyline na simpleng vlog lang ‘yon ng kanyang pamamasyal sa Tales of Ilumina booth na tila horror house. Sa kanyang Instagram video, isang date ‘yon para sa sarili niya.

Laking gulat ng aktres nang biglang sumulpot si Mavy Legaspi nang umorder siya ng maiinom habang nakapikit, huh!

Nagsilbi ring advance birthday treat ni Kyline ‘yon para sa sarili.

Si Mavy ang pinaka-close ngayon ni Kyline sa mga lalaking artista.

Mag-level up kaya ang friendship nila?

Show comments