Umaming magbubuntis na! Ellen ‘di na lasengga, tikim-tikim na lang ng alak!
Tikim-tikim na lang si Ellen Adarna ng alak.
Hindi na katulad noon na talagang lasengga raw siya.
Ito ay dahil plano niyang magbuntis, soon.
Glowing nga at mas relax ang aura ng dating sexy actress. “You know why because naiba na ‘yung lifestyle. Hindi na ako maalak. Lasengga ako (noon), party party. Of course, because wala akong responsibility. I’m just living my life.
“This year just twice (akong tumikim ng alak). Iba ‘yung mental state?changes. Ang laki ng difference,” pag-amin niya nang makausap namin sa dealers night Rana Pharmaceutical Inc. na ang kanyang ini-endorse na produkto ay XMeal multigrain & beans.
Pansin nga ng mga andung press na hindi na dehydrated o tuyot ang skin ng misis ni Derek Ramsay. “Hindi talaga. I think I’m done because when I was young tinodo ko na rin eh. Sinagad ko talaga. All out. You got tired of it,” dagdag pa niya.
Samantala, kinumpirma rin ni Ellen na wala na siyang interes sa showbiz.
Gusto niya raw ay laging nasa tabi ng anak na si Elias na ngayon ay four years old na.
Nauna na niyang sinabi na ‘pag seven years old na si Elias ay saka siya babalik na malabong mangyari dahil sinabi niyang “Magbubuntis ako soon. Another 7 years,” habang natatawa siya.
Dagdag niya pa, ‘di niya nami-miss ang trabaho sa showbiz : “Honestly hindi ko nami-miss ‘yung umuwi ng 5 a.m. Saka iba na.”
Katabi raw kasi nilang natutulog ang anak kaya ayaw niyang iwan ito.
Pero anong ginagawa niyang preparation para mabuntis? “Nothing. Hopefully ‘di ako hirap. When I had Elias, parang ang bilis-bilis. Hopefully it will be easy. That’s why I take care of my health.”
Bagama’t ang dami raw offer sa kanila ni Derek, pero hirit ni Ellen ayaw niyang katrabaho ang asawa. “Ayoko siyang kasama mag-work. Feeling ko walang mangyayari. Magtatawanan lang kami. No,” natatawa niyang sabi.
“Ang daming offers actually. ‘Di kita (Derek) kaya.”
Kung sabagay, ‘di rin naman nila kailangang magtrabaho? “Ahh stable?naman... I can provide. I got the things that I need. Not want, but need.”
Pina-comment din si Ellen sa sinabi ni Derek na dragon baby ang pinaghahandaan nila?
Dragon baby nga ba ang gusto niya?
“Actually plano namin this year. Na-realize ko kung next year ako manganak i-dragon na lang. According to Chinese superstition mas suwerte ‘pag three dragons in the house.
‘Pag next year ako magbuntis, 2024 ako manganganak. House of dragon na talaga.
“I want a girl. One last na lang. Hopefully it’s a girl.”
Kakapili pa lang ng aktres bilang celebrity ambassador ng Xmeal, isang meal replacement drink na ipinamahagi ng Rana Pharmaceutical. Ibinunyag niya na siya ay isang paying customer ng produkto bago siya makontak para maging endorser nito.
- Latest