Bea, ‘di epektibong endorser?!

Bea Alonzo.

Talagang ayaw ko nang pansinin si Bea Alonzo dahil parang waste of time na. Nagtataka ako na hindi naman siya ipinagtatanggol ng Team Bea maliban sa magpa-cancel ng mga press people na tulad n’yo ni Gorgy, Salve, sa presscon na hindi naman sila ang gumasta, at pressured lang nila ang may-ari na huwag tayo i-invite or else hindi darating si Lola Bea na wala namang nagawa sa sales ng product na endorser siya.

Imagine mo, isang product na madali sanang mabili sa market hindi naging saleable dahil endorser si Bea.

Malulugi niyan ang mouthwash na si Bea ang nagbenta. Kawawa naman. Kasi nga negative agad ang ginawa ng Team Bea niya, nagpa-cancel agad ng mga taong puwede pa sanang makatulong sa kanyang palaos na career.

Naku, baka hindi na ma-renew ang contract dahil sa mababang sales. Naku, dapat alisin na ang sumpa, baka naman hindi si Bea ang nagpa-cancel, baka ‘yung Team Bea niya nag-power trip lang, pero dahil nangyari na, ok lang, basta tandaan, lahat ng sikat nalalaos, maganda nagiging pangit, bata tumatanda.

Aral iyan, Bea Alonzo, na dapat mong pag-aralan, huwag masyadong ilusyonada, tumapak sa lupa, or else, baka madapa. Hah hah hah, joke joke joke.

Net 25, sinorpresa ang mga pasyente

Bongga ang Net 25 ha, Salve. Follower pala sila ng IG natin kaya nagpadala sila ng maraming breads para ibigay ko sa dialysis session ko.

Bongga, dahil isa ngayon sa fastest growing network ang Net 25.

Talagang ang bilis ng ginagawa nilang pagbabago sa programming nila, talagang unti-unting nagiging commercialized ang network.

Siyempre iba pa rin ang tipo ng mga programa na gusto nila at karapatan nila ang mag-set ng sarili nilang trend.

Alam mo agad na talagang gusto nilang makilala sa sarili nilang brand of programming.

So, wait tayo na maging bonggang-bongga ang Net 25.

Show comments