Broken Marriage..., nanalong Best TV Format Adaptation sa Thailand

Jodi
STAR/ File

Suwerte naman ni Jodi Sta. Maria sa The Broken Marriage Vow.

Talagang tumatak ito sa mga manono­od at umabot hanggang sa ibang bansa.

Nanalo ang The Marriage Broken Vow, na local adaptation ng Doctor Foster sa ContentAsia Awards 2022 na ginanap sa Thailand ng Best TV Format Adaptation (Scripted) in Asia kung saan nakalaban nito ang ibang mga programa mula sa Thailand at Hong Kong na personal na tinanggap ni Jodi.

Nakatanggap din ng nominasyon si Jodi ng Best Female Lead in a TV Programme.

Samantala, nasa listahan din ng mga nominado para sa Best Asian Comedy Show ang My Papa Pi nina Piolo Pascual at Pia Wurtzbach at nakalaban ang mga programa mula sa Thailand, Malaysia, Indonesia, at Taiwan.

Ginanap ang awarding ceremony sa Agosto 26 (Biyernes) sa Bangkok, Thailand na magkakaroon ng livestream sa Facebook.

Pagmamay-ari ang ContentAsia Awards ng ContentAsia, isang information platform na handog ang balita at impormasyon tungkol sa Asian content.

Show comments