Mag-asawang Jun at Perci, nag-uunahang magkabagong jowa

May ilang nagtataka kung talagang magkahiwalay ba sina direk Jun Lana at direk Perci Intalan.

Mag-partner pa rin sila sa kanilang Ideafirst Company at tuluy-tuloy pa rin ang projects na ginagawa nila.

Nakatsikahan namin si direk Perci sa DZRH nung nakaraang linggo at ipinaliwanag sa amin ang setup nila ni direk Jun kahit magkahiwalay na sila. “Technically ganun pa rin ang situation namin as posted by direk Jun before, ‘di ba?,” pakli ni direk Perci sa tanong namin kung talagang magkahiwalay na sila ni direk Jun.

“We decided to separate as a couple, pero magkaibigan kami, co-parents kami, magkasama kami sa negosyo. We still live in the same place. Magkahiwalay lang kami ng kuwarto. Kasi may mga anak kami e. Ang gusto lang namin ‘yung mga anak namin, makikita nila na buo pa rin ‘yung pamilya nila,” dagdag niyang paliwanag.

Maaaring weird sa iba, pero sinasabi raw nila na hindi sila mag-asawa, pero nanatili pa rin silang magkaibigan. Kaya nag-decide silang magsama pa rin sa isang bubong.

“We talked about everything. Naglolokohan kami kung sino ang mauuna na makahanap ng bagong dyowa,” natatawa niyang pahayag.

Ikinasal sila sa New York noon at may dalawa silang anak, isang 6 at 4 years old. At naintindihan daw ng panganay nilang anak, dahil naipaliwanag na nila ang kanilang bagong setup.

“I think ang pinakaimportante is makikita ng bata na they’re in the safe and loving environment. Mahal sila ng dalawang taong ini-expect nilang mahal sila,” dagdag niyang pahayag.

May mga pelikula na silang prinodyus para sa kanilang Ideafirst Company.

Natapos na ang Death by Desire na pinagbidahan ni Kokoy de Santos para sa Vivamax na dinirek ni Prime Cruz.

May ginawa rin si Kokoy an dinirek na naman ni Jun Lana, ang Amoral.

Si direk Perci ay tapos na rin ang Live Scream na bida naman si Elijah Canlas at ang Mahal Kita Bekman ni Christian Bables.

Gina, nahirapang maging lola

Puring-puri si direk Gina Alajar ang main cast ng Start-Up Ph dahil talagang pinag-aralan daw nila ang character na ipinagkatiwala sa kanila.

Nakitaan daw niya ng magandang chemistry sina Alden Richards at Bea Alonzo, at kinikilig nga raw siya sa dalawa. Hindi lang daw niya matukso, dahil alam naman niyang boyfriend ni Bea si Dominic Roque.

Pero ang isa sa puring-puri si direk Gina ay si Yasmien Kurdi. Nakita raw niya kung gaano ka-dedicated si Yasmien sa role niya rito bilang si Katrina ‘Ina’ Diaz, ang ate ni Bea Alonzo.

Si direk Gina ang Lola Joy dito sa Start-Up Ph, at aminado siyang nahirapan siya rito dahil ibang-iba ang karakter nitong role ng lola na malaki ang kinalaman sa takbo ng kuwento.

Mga Sang’gre, may reunion

Mag-i-enjoy ang JulieVer fans nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa All-Out Sundays ngayong tanghali.

Meron kasing pasabog na production number sina Julie Anne at Rayver. Kaya bumalik ng Maynila si Julie Anne mula sa lock-in taping niya sa Ilocos para sa Maria Clara at Ibarra.

Magkakaroon din ng reunion ang mga Sang’gre ng Encantadia na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Glaiza de Castro kaya puspusan ang rehearsal nila kahapon.

Show comments