Sandara Park 'apektado ang boses' ngayong nagpositibo sa COVID-19
MANILA, Philippines — Nagpapagaling mula sa COVID-19 ang Kpop singer, aktres at "Pambansang Krung-Krung" na si Sandara Park, dahilan para maantala ang ilan niyang schedules — ang problema, pati ang kanyang boses ay nabago raw nito ngunit tiniyak niyang gagaling ito.
Una nang ibinalita ng YTN na nagpositibo sa nakamamatay na virus ang Korean superstar ng ngayo'y disbanded nang 2NE1. Aniya, siya'y sumasailalim na sa home isolation at treatment alinsunod sa healthcare guidelines.
"I was resting quietly and recovering, but the article went out. I'm so sorry that all of this week's schedule was delayed. Don't worry guys," wika ni Sandara, na unang sumikat bilang aktres sa Pilipinas, sa isang tweet nitong Miyerkules.
"I was a little sick with body aches & chills only on the first day, now only my neck hurts. Voice has become strange.. it will recover!"
??? ??? ??????? ??? ???????? ??? ???? ? ???? ?? ? ??????????????? ??????~ ??? ??&???? ? ??? ??? ?? ??????? ???? ??????.. ?????! ? ????? ?? ???? ? ??????? ?? ?? ? ???^^
— Sandara Park (@krungy21) August 24, 2022
Hulyo lang nang maibalitang ipinapa-try ni Sandara kay BamBam, miyembro ng Korean boy band na Got7, ang ilang pagkaing Pilipino. Nakuha pa nga niyang ipainom sa huli ang ilang serbesang Pinoy.
Kasalukuyang lumalaban ang South Korea ngayon sa pagtaas uli ng COVID-19 cases, kung saan 114,764 ang daily average COVID-19 cases sa nakaraang linggo, ayon sa Central Disease Control ng bansa.
"I have to take medicine, so I have to eat all three meals a day, so I eat better than usual," sabi pa ni Dara.
Kamakailan lang din ng ibalita ng Korean media na nagpositibo rin sa COVID-19 si Sunny ng Girls' Generation at Jihyo ng TWICE. — James Relativo
- Latest