Marian, masipag sa mga endorsement

Marian Rivera.

Sobrang sipag pala ni Marian Rivera sa pagpu-post niya sa kanyang Facebook page. Kaya naman hindi kataka-takang umabot sa mahigit 277 million ang kanyang folllowers, huh!

Maya’t maya ay makikitang pictures at videos sa FB ni Yan. Napansin namin ito nang sinimulan namin siyang i-follow sa FB.

Of course, may Instagram account pa rin si Marian na million din ang followers. Pero siyempre, mas madaling ma-access ang FB para sa kanyang fans.

No wonder, gustung-gusto ng mga kumukuha sa kanyang endorser dahil masipag na masipag siya, huh!

Ysabel, inaming kinabahan

Magtatapos na ngayong araw na ito ang Kapuso series ni Kylie Padilla na Bolera. Simula sa Lunes, Agosto 29, ang What We Could Be nina Miguel Tanfelix, Yasser Marta at Ysabel Ortega ang hahalili rito.

Ito ang unang series ni Ysabel na first lead niya. Aminado siyang pressured.

“Definitely, kinakabahan ako but at the same time, confident ako na maganda ang nagawa namin. Nakatulong din sa amin ‘yung support system at teamwork namin ni Miguel.

“The project is good chance for us to experiment and learn as actors,” sabi ni Ysabel.

Eh dahil kumpiyansa na magagaling na artista ang kanyang lead actors, hindi na nahirapang mailabas ni direk Jeffrey Jeturian ang gusto niyang mapanood ng mga tao sa TV.

Unang collaboration ng GMA at Quantum Films ang What We Could Be.

Show comments