Yung marami pala sa nagbabasa ng posting ko sa social media may kanya-kanyang reaction, at nakakatuwa dahil doon mo makikita kung ano talaga ang tunay na pagkatao o character sa reaction nila.
Natawa ako sa isang fan ni Bea Alonzo na nagpadala ng ‘love money’ na $35 para sa akin, dahil daw sa lagi kong ‘pagbibiro’ kay Bea kaya ang mga paa nito nasa lupa pa rin hanggang ngayon. Parang ako na raw ang ‘disciplining’ Lola Lolit ni Bea.
Bongga, ‘di ba, at least nakikita nila in a constructive way ang mga IG at column ko sa Pilipino Star NGAYON at Pang Masa.
Ganyan dapat ang fans, tingnan nila in a different way ang isang bagay, huwag maging one side track lang.
Naku, balak ko nang tigilan si Bea dahil hindi naman siya ipinagtatanggol ng Team Bea, sayang ang bayad niya sa mga publicist niya, saka bakit hindi siya ipagtanggol ng manager niya para sa image niya, dapat meron silang way para maayos ang mga lapses, kaya lang ba nila magpa-cancel ng invitation, wala man lang image building?
Tingnan mo, ang tingin ngayon kay Bea isang bitter, lola-looking, palaos na star, dahil hinayaan nila na mag-stick iyon sa utak ng mga tao.
Baby nina Luis at Jessy, kinasasabikan ng kani-kanilang pamilya
Siguro ang bahay nina Luis Manzano at Jessy Mendiola puno ng tawanan.
Ang ganda kasi ng sense of humor ni Luis, at parang mahusay rin na comic relief si Jessy.
Nice para sa magiging baby nila dahil parehong maganda ang sense of humor ng kanyang parents.
Ang saya pa niyang baby dahil pati ang Mama Vilma niya excited sa pagdating niya. At sure ako na ang Lolo Edu niya ang talagang magiging apple of his eyes siya.
Bongga talaga ang baby nina Luis at Jessy, pinakahihintay ng lahat.