^

PSN Showbiz

Gelli, nagbunga ang pagiging malayo sa mga anak

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Gelli, nagbunga ang pagiging malayo sa mga anak
Gelli at Pamilya
STAR/ File

Aminado si Gelli de Belen na mahirap sa kanyang kalooban na malayo sa kanilang mga anak ni Ariel Rivera na kasalukuyang nasa Canada. Taong 2016 nang umalis ang magkapatid na sina Joaquin at Julio upang mag-aral sa Canada. “’Yon ang mahirap, ‘yung umpisa talaga, ‘yung first few months. Every phone call, si Ariel alam na niya, pagkatapos nakaabang na siya, console-console. Ako naman naisip ko, huwag ka na muna masyadong tawag nang tawag,” kwento ni Gelli.

Masarap umano sa pakiramdam ng isang magulang na nakapagtapos na ng kolehiyo ang mga anak. Para kay Gelli ay nagbunga nang maganda ang lahat ng ginawang sakripisyo ng buong pamilya upang mapabuti ang edukasyon ng magkapatid. “Nakaka-proud siyempre gusto ko ipagmalaki na Dean’s Lister, siyempre mangiyak-ngiyak ako. Moment ng anak ko ‘yon. So talagang pinakiramdaman ko ‘yon. Eto na, ito na ang pinaghirapan niya, pinaghirapan din naman namin ni Ariel pero mostly siya ang kumilos nito. Siya ang may gusto nito,” paglalahad ng aktres.

Malaki ang pasasalamat ni Gelli dahil luma­king mabuti ang dalawang anak.

Malungkot lamang daw minsan dahil mayroong mga pagkakataon na dapat ay magkakasama sila bilang isang buong pamilya. “I just feel really blessed that despite the distance they’ve really parang lived whatever we taught them. Kung ano ‘yung itinuro namin habang lumalaki sila hanggang ngayon nakikita ko sa kanila hindi nila nalilimutan. I am just grateful that I have the most wonderful children any parent could ask for. It’s just sad lang na hindi kami palagi magkasama sa high and lows ng buhay nila, hindi kami laging nandoon,” emosyonal na pahayag ni Gelli.

Julia, aprubado ni Marjorie ang pagiging ‘Sex Worker’

Nagpaka-daring si Julia Barretto para sa pelikulang Expensive Candy na mapapanoood na sa mga sinehan simula Sept. 14. Kamakailan ay mainit na pinag-usapan sa social media ang sexy photos ng aktres. Bilang paghahanda sa karakter ay talagang nasaksihan umano ni Julia kung paano ang mamuhay ang isang sex worker. “Direk JP (Laxamana) and I spent an unforgettable night in Angeles City. We were able to visit the walking strip where we actually shot the film. Then we looked for a girl who can be my reference for the role of Candy. Her name is Cheska and she became my friend, too. Iba talaga na kailangan mong mag-immerse where the film is set and the story is based. We went to the walking strip and we were able to watch the hardworking, beautiful women who work there. I admire them so much and I have so much resprect for them. I got a few tips, tricks and a little bit of dance moves from the women. They are all amazing women,” pagdedetalye ni Julia.

Dahil sa mapangahas na tema ng pelikula ay maayos ding nagpaalam muna si Julia sa inang si Marjorie Barretto bago ito gawin. Binasa raw ng dating aktres ang script ng Expensive Candy at agad naman itong pumayag. “My mom loved Between Maybes and she loves Direk JP. She gave her nod and the green light for me to do the film, not only the manage­ment gives the greenlight. So they were very excited about this film,” pagbabahagi ni Julia. (Reports from JCC)

GELLI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with