Ate Vi, hindi nawawala ang pagiging sweet
Naging fan ako bigla for a day dahil kilig ako sa text at padalang mga suman ni Ate Vilma Santos.
Talagang na-feel ko ‘yung pagiging sweet at very kind niya sa mga salitang ginamit niya sa text.
Wow, ‘di ba, Vilma Santos may panahon para sa iyo, ‘di ba kilig ka. Kaya nga siguro napaka-enduring ng kinalalagyan ni Ate Vi dahil for years nandu’n pa rin ‘yung sweetness niya sa kanyang mga kasamahan.
I love you, Ate Vi, at kahit ano pa ang pasukin mo tiyak na suwerte ka dahil mabait ka at very caring. Forever Vilmanian, promise.
Mga pinoy, nabawasan ang addiction sa Korean stars
‘Yung addiction sa pinapanood mo para ring pagkagusto sa pagkain. Sa una, sarap na sarap ka, pagkaraan ng ilang panahon medyo magsasawa ka na, pagkatapos, ok lang kung meron o wala.
Ganyan din ang nangyayari sa pagka-addict ko sa Koreanovela.
Hindi ka mahinto sa umpisa sa panonood, pero now, ok lang kung mapanood mo o hindi. Kaya hindi na rin ganun kainit ‘yung Korean stars na dumarating.
Pati na ‘yung K-pop stars, medyo nabawasan na ang addiction ng mga Pinoy, hindi gaya ng dati na talagang sugod marino sila sa paghanga.
Pero loyal pa rin ako kay Jo In-sung, puntahan ko pa rin siya ‘pag nagpunta siya dito sa Pinas. Pa-selfie pa rin ako, at kung puwedeng pa-kiss, hihingi ako ng kiss. Hah hah, walang malice. Kiss lang kay Lola Lolit noh, papayag naman si Lola Bea, hah hah hah joke lang po, huwag pikon.
- Latest