^

PSN Showbiz

Kylie, nagsalita sa totoong relasyon nila ni Gerald!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kylie, nagsalita sa totoong relasyon nila ni Gerald!
Kylie Padilla.

Umamin si Kylie Padilla na nabaliw-baliw din siya sa kanyang unang-lock-in taping sa magtatapos nilang teleserye na Bolera.

Pero nagpapasalamat siya na mabilis siyang naging comfortable sa mga katrabaho kaya hindi naging mahirap ang adjustment nilang lahat. “Malaking bagay na comfortable ako. Walang halong showbiz sa amin,” aniya kahapon sa online conference para sa finale ng kanilang serye na naka-focus sa larong bilyar.

Sinabi rin niyang pagkatapos nitong Bolera ay hindi na siya basta-basta tatanggap ng trabaho, mas mataas na ang standard niya sa pagtanggap ng trabaho para sa mga anak niya.

“Ayokong masayang ang oras ko na malayo sa kanila kaya talagang dapat iba na ang standard,” sabi pa niya.

Hindi pa niya alam ang susunod na proyekto niya sa GMA 7. Pero aminado siyang ayaw niyang mabakante. “Ang weird pero ayokong mabakante. Gusto kong magtrabaho nang magtrabaho.”

Focus muna raw siya sa career niya. “It’s time na mag-focus naman ako sa career ko dahil quota na ako dun,” na ang tinutukoy ay usapin tungkol sa pakikipag-relasyon.

Kaya nga natatawa siya sa mga lumalabas sa kanila ni Gerald Anderson na leading man niya sa pelikulang sa Switzerland pa nag-shooting. “ I mean may mga lumalabas nga na sobrang layo sa katotohanan.”

Minsan daw nag-uusap sila ng kanyang handler kung sasagutin ba ‘yung mga ganung intriga. “We talk about it kung kailangan kong magsalita. Pero yung iba out of this world na hindi ko na kailangang magsalita,” natatawa niyang sagot tungkol sa pag-uugnay sa kanila ni Gerald.

May mga nang-iintriga nga na siya ang rason ng problema nina Gerald at Julia Barretto sa kasalukuyan.

Anyway, hanggang this weekend na lang mapapanood ang Bolera.

 

KYLIE PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->