Siguro kung may choice lang ang mga asong nagkalat sa kalsada, kay Korina Sanchez sila magpapakita para magkaroon ng ‘magandang buhay.’
Lately nga ay ang dami na namang mga kinakatay na mga aso at kasama si Korina sa nananawagan na tapusin na ang dog meat trade at aniya ay parusahan ang mga kumakain at nagbebenta ng karne ng aso. “Meet Winter. Our newest rescued puppy from the busy street fronting White Plains in QC. Pagala gala. Baka masagasaan.”
“As with all our rescues diretso sa vet. Bloodtest, vaccination, grooming. We nourish them to health and get them adopted into loving responsible homes.”
“Recently, dumadami nanaman ang mga images online of dog slaughter by heartless humans who sell dog meat for food in restaurants and for personal consumption. Sa mundo, pinandidirihan at naeeskandalo ang mga banyaga na kumakain parin ng aso ang ibang Pilipino. “
“It is LAW that it is a CRIME to slaughter dogs for food and any and all other acts of abuse or neglect of animals. Ang problema: police and local government do not enforce.”
“Panawagan sa mga senador, congressman, mga mayor at pulisya. Pupuntahan po namin kayo para magkaisa na TAPUSIN NA ang dog meat trade at ipakulong ang mga kumakatay, naghahain, nagbebenta at kumakain parin ng aso. “
Sinasabing magiging busy na ulit si Ms. Koring dahil sa pagbubukas ng AMBS.
Diumano’y ito ang magiging head ng news department ng network ni Mr. Manny Pangilinan though wala pang formal annoucement ito.