^

PSN Showbiz

Korina, galit na galit sa mga kumakatay at kumakain ng aso

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Korina, galit na galit sa mga kumakatay at kumakain ng aso
Korina Sanchez.

Siguro kung may choice lang ang mga asong nagkalat sa kalsada, kay Korina Sanchez sila magpapakita para magkaroon ng ‘magandang  buhay.’

Lately nga ay ang dami na namang mga kinakatay na mga aso at kasama si Korina sa nananawagan na tapusin na ang dog meat trade at aniya ay parusahan ang mga kumakain at nagbebenta ng karne ng aso.  “Meet Winter. Our newest rescued puppy from the busy street fronting White Plains in QC. Pagala gala. Baka masagasaan.”

“As with all our rescues diretso sa vet. Bloodtest, vaccination, grooming. We nourish them to health and get them adopted into loving responsible homes.”

“Recently, dumadami nanaman ang mga images online of dog slaughter by heartless humans who sell dog meat for food in restaurants and for personal consumption. Sa mundo, pinandidirihan at naeeskandalo ang mga banyaga na kumakain parin ng aso ang ibang Pilipino. “

“It is LAW that it is a CRIME to slaughter dogs for food and any and all other acts of abuse or neglect of animals. Ang problema: police and local government do not enforce.”

“Panawagan sa mga senador, congressman, mga mayor at pulisya. Pupuntahan po namin kayo para magkaisa na TAPUSIN NA ang dog meat trade at ipakulong ang mga kumakatay, naghahain, nagbebenta at kumakain parin ng aso. “

Sina­sabing magiging busy na ulit si Ms. Koring dahil sa pagbubukas ng AMBS.

Diumano’y ito ang magiging head ng news department ng network ni Mr. Manny Pangilinan though wala pang formal annoucement ito.

KORINA SANCHEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with