^

PSN Showbiz

‘Hindi ko matanggap kung ano ang sakit ko’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
�Hindi ko matanggap kung ano ang sakit ko�
Lolit Solis.

Aminin ko Salve na kung minsan talagang sad ako dahil sa sakit ko.

Kahit ano nga explain ng doktor ko, hindi ko matanggap kung ano sakit ko, kaya naniniwala na lang ako na isipin na binubudol ako, kahit pa nga lahat ng labtest sa akin talagang nakikita na maysakit ako.

Kaya kadalasan naiinis ako pag dialysis session ko, dahil feeling ko hindi ko kailangan. Hindi mag-sink in sa akin na maysakit ako.

Basta nasa isip ko normal ang pakiramdam ko at maayos katawan ko. Talagang hindi ko maamin na meron akong sakit, gulat nga nakakarinig pag nalaman may dialysis session ako twice a week.

Para bang iyon facial expression nila nagsasabi na serious ang lagay ko, na dying na ako.

Hay naku, nasa sad ako pero naisip ko, nauna na mga BFF ko na sila Douglas Quijano at Ricky Lo, at least may welcome party na ako hah hah. Walang biro, I feel sad, I feel no more motivation. Pero sana whatever, tulad ng prayers ko kay St. Theresa, make it a painless one, at sana handa ako spiritually sa darating na kapalaran. 

Online auditions sa “The Clash Season 5” nagsimula na

The search is on na pala para sa next singing sensation sa fifth season ng original reality singing competition ng GMA na The Clash.

Nagsimula na ang online auditions noong August 7 para sa lahat ng Pilipinong may edad 16 pataas at may natatanging galing sa pag-awit. Maaaring mag-submit ng audition video sa pamamagitan ng audition form or QR code na matatagpuan sa kanilang official social media accounts.

Lahat ng interesadong sumali ay kailangan lamang mag-upload ng video na naglalaman ng kanilang self-introduction, isang Tagalog song, at isang English song. Maaaring kumanta ng acapella o may kasamang live instrument. Pinapakiusapan din ang lahat na iwasan gumamit ng voice effects or enhancements sa kanilang mga video.

Oh siya, babu.

LOLIT SOLIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad