^

PSN Showbiz

Bea, mabilis nag-mature sa mga ginampanang role

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Bea, mabilis nag-mature sa mga ginampanang role
Bea
STAR/ File

Bina-blind item pa nila eh, bakit hindi nila sabihin nang diretso na ang tinutukoy nilang serye sa may problema na kailangang mag-reshoot ay iyong Start-Up? Narinig na namin iyang kuwentong iyan, na may dumating daw na mga Koreano at sinabing hindi maganda ang ilang eksena dahil mukha ngang napakabata ni Alden Richards kaysa kay Bea Alonzo, ganoong sa orihinal ay mas bata iyong babae dapat. Kung paniniwalaan ang sinasabing si Bea ay ipinanganak noong 1987, ibig sabihin 35 years old siya. Si Alden naman ay 1990, ibig sabihin ay 32 na siya, hindi naman ganoon kalayo ang edad. Maling sabihin na si Bea ay parang tiyahin na lang ni Alden.
Pero siguro nga dahil sa image iyan eh. Si Alden kahit na ganoon na ang edad, ang tingin ng mga tao sa kanya ay bagets pa. Si Bea, dahil sa mga ginawang dramatic roles, ang i­mage ay mas tumanda kaysa sa kanyang totoong edad.

Hindi nila kasalanan na sila ang pinili ng network para magtambal. Ang nasa isip lang ng network, malakas si Bea at ang pinakamalakas nilang male star ay si Alden, pero dapat napansin iyan ng casting at artistic director. Puwede naman nilang baguhin ang mga damit ni Alden. Puwede namang sa makeup ay magmukha siyang matured kaysa sa edad niya. Iyan ang mga bagay na napabayaan. Bakit mo nga naman patatandain ang hitsura ni Alden eh napakapogi noong tao. Kaso hindi nga babagay sa istorya.

Jane, tinutulad kay Nora

Noong araw, talagang kinagat nang husto ng mga tao iyong publisidad ni Nora Aunor na dumanas ng kahirapan noong siya ay bata pa sa Bicol. Pero mayroon ka talagang pagbabatayan eh, kaya nga noong magtungo siya sa Maynila para ipagpatuloy ang pag-aaral at nagbakasakali nga sa Tawag ng Tanghalan, doon siya nakatira sa kanyang tiyahin, si Mamay Belen at tiyuhing si Sgt. Saturnino Aunor. Alam naman natin, hindi mo masasabing malaki ang suweldo ng isang sarhento, kaya para ipagkatiwala si Nora ng magulang niya sa kanyang tiyahin, mas mahirap ang sitwasyon nila sa Bicol.

Doon lumabas iyong si Nora nagtitinda ng tubig sa istasyon ng tren. Ganoon sa mga probinsiya noon, wala pa kasing mineral water kagaya ngayon. May mga kuwento pa noon si Mamay Tun­ying kung ano ang ginagawa niya kung may sakit si Nora, dahil maliwanag na noon hindi madali sa kanila ang magpatingin sa isang doctor. Dahil may basehan, kinagat ng publiko ang ganoong klaseng publisidad ni Nora, at saka noon ang kanyang mga ginagawang role ay mga karaniwang tao lamang. Hindi naman siya gumagawa ng role noon na anak mayaman siya.

Pero napansin namin lately, siguro sa paghahangad na mai-drum beat siya, may lumabas ding publisidad na si Jane de Leon ay mahirap din daw sila at may panahong ang kinakain nila ay kanin at asin lang. Aywan, kanya-kanya tayo ng opinion eh pero iyang ganyang publisidad ay hindi yata bagay sa Darna. Hindi ganyan ang publisidad ni Angel Locsin. Walang traces of poverty kundi kasosyalan ang dating ni Angelina Jolie.

Iba eh, kasi babae kang action star. Darna ka eh, incidental lang naman ang pagiging Narda mo. So dapat kayang ungkatin ang mga ganyang kahirapan ni JANE na parang si Nora ang nakaraan?

FPJ Ave.,‘di pa naaayos

Kahapon, Agosto 20, birthday nga pala ng hari ng pelikulang Pilipino na si FPJ (Fernando Poe Jr.). Kung nabubuhay pa siya ngayon, siya ay 83 taon na. Natuwa kami na may plano pala sila na gumawa ng documentaries sa buhay ni FPJ at sa kanyang mga pelikula, kasi nga binuksan na nila ang FPJ museum.

Pero iyong Roosevelt Avenue na pinalitan na ang pangalan para maging Fernando Poe Jr. Avenue, hindi pa yata nasisimulan ang pagpapalit ng pangalan. Iyong monumento naman ni FPJ sa Roxas Boulevard, gaya ng inaasahan namin, tinirikan ng kandila ng kanyang fans at may bulaklak.

START-UP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with