‘Salamat sa suporta at pagmamahal…’

More than a month na pala akong maysakit.
Imagine, ngayon ko lang napansin na more than a month na akong pabalik-balik sa hospital.
Pero up to now wala pa ring nababawas sa health budget ko.
Paano naman, ang daming nag-aalok ng tulong.
Sina Bong Revilla at Enrico Roque, nag-aalok na sagutin ang kidney transplant operation ko.
Si Manny Villar, Lito Atienza at Alice Eduardo, nagpasabi na bahala sila sa dialysis ko. Sina Sonny at Tootsy Angara, Rubby Coyuito, Cris Roque, Vanni Patillas, Miguel Belmonte, at marami pang nagpadala ng red envelope para makatulong sa aking health budget.
Kaya nga overwhelmed ako.
I may have done something good in my naughty life to have this kind of love showered into me.
Grabe talaga na hindi ko maisip na bibigyan nila ako ng ganitong suporta at pagmamahal.
At paano akong ‘di magpapasalamat eh pati ‘yung binibilhan ko ng pearls jewelry na Pearl Palace sa Greenhills na ang may-ari ay si Abs, nag-offer na bibigyan ako ng pearl necklace at bracelet para raw gumaling agad ako dahil may healing power ang pearls.
Para talagang pasyente ako ng bayan, lahat alam na maysakit ako, lahat nagpapadala ng get well notes, kaya sobra akong touched talaga.
Hay naku, kung ‘di lang mahirap ok sanang magkasakit, dahil ang daming nagmamahal sa iyo. Pero gusto ko nang gumaling, please.
Pero talagang will never forget this kindness. Forever grateful and thankful.
Thank you, Lord.
- Latest