^

PSN Showbiz

Ate Vi, tuloy na ang comeback movie

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Ate Vi, tuloy na ang comeback movie
Vilma Santos.

Nagkaroon kami ng isang maikling chat, actually palitan lang ng text messages, kasi nang dumating ang text ni Ate Vi (Vilma Santos), nasa isang meeting kami.

Siguro ikasisiya ng kanyang fans ang balitang isang major film producer ang nagpadala na raw sa kanya ng mga concept para sa isang pelikula, pero mamimili pa siya kung alin doon ang magugustuhan niya.

Pagkatapos at saka sila magkakaroon ng face-to-face meeting para plantsahin na ang proyekto.

Sa himig ng kuwento ni Ate Vi, talagang pelikula iyon.

Ibig naming sabihin isang pelikula na tiyak na ipalalabas sa mga sinehan, hindi iyong indie lang na baka ang bagsakan ay internet.

Si Ate Vi naman kasi iyong hindi katatakutang puhunanan, dahil kumita ang lahat ng kanyang pelikula. Wala siyang pelikulang na-pull out sa mga sinehan, na kagaya ng ibang naka-pitong tugtog na ng Lupang Hinirang wala pa ring pumapasok sa mga sinehan.

Pero siguro gawin man niya iyan, 2023 na ipapalabas.

Tama lang naman iyon, kasi by that time siguro naman lifted na ang state of public emergency na ipapatupad hanggang sa katapusan ng taon.

Mas magiging maluwag na sa mga sinehan. Kailangan na talaga ng malalaking pelikula, at para sigurado, kailangan ang isang artistang subok na sa takilya gaya ni Ate Vi.

Iyan ang isa pang bagay na pinag-uusapan. Sa kabila ng hindi niya masyadong pagiging aktibo sa pelikula nang mahigit na 20 taon, maintained ang pagiging box office queen niya, dahil sa tuwing makakasingit siyang gumawa ng pelikula, hit sa takilya.

Eh iyong ibang nag-hit at tinawag na box office queen, nalaos na rin at marami nang projects na tumulak.

Pero si Ate Vi ba may pelikulang nakatulog ang takilyera?

Vice at Ion, kailangan ang panukalang batas ni Robin

Ipinagmamalaki ni Vice Ganda na hindi totoo ang ikinakalat na tsismis na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Ion Perez. Nauna rito, nagparinig na rin si Ion sa hindi naman niya binanggit na kung sino, na nagkakalat daw ng hindi totoong tsismis, at nasabihan pa niyang 2022 na, at maikli na lang ang buhay hindi pa nagbabago. Pero dapat malaman nina Vice at Ion, na talagang kakabit ng show business ang mga tsismis at intriga, at basta may sumingaw na kuwento, may maniniwala.

Diyan nagsisimula ang mga ispekulasyon.

Sina Vice at Ion ay nagpakasal sa Las Vegas, pero hindi naman kinikilala iyon dito sa Pilipinas.

Kailangang hintayin muna nila ang panukala ni Senador Robin Padilla kung makakalusot, na kilalanin na ang same sex marriage. Dahil hanggang hindi ‘yun nagi­ging batas, hindi nila maaangkin ang isa’t isa bilang asawa.

Mga pelikula sa streaming platforms, dinededma na lang ng mga kinauukulan

May mga kababaihang umaangal, nang lumabas ang isang teaser ng isang pelikula kung saan may ipinagagawa sa sex ang artistang lalaki sa artistang babae. Tapos noong medyo umangal ang babae, sinabihan siya ng “ayaw mo? Puwede ka nang umuwi.”

Sabi nila, masyado raw pinabababa ng mga ganoong eksena sa pelikula ang dignidad ng mga babae, pero ano nga ba ang magagawa nila. Iyan naman ay isang pelikulang ipalalabas lamang sa internet, at hanggang walang amendment ang batas na nagbibigay ng mandato sa Movie and Television Review and Classification Board, hindi nila mapakikialaman ang mga pelikula sa internet.

Eh hindi naman yata iyon naasikaso ng ating mga mambabatas na mayroon pang nanga­ngarap na magkaroon ng cable car sa Pilipinas.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with