Ogie, ang daming nagawang kanta habang naka-quarantine
BEVERLY HILLS, CA. – Alam mo, Ateng Salve, nakatutuwa dahil nang maka-chat ko kahapon si Ogie Alcasid sa pamamagitan ng Viber app at kumustahin ko ang kanyang kalagayan dahil tinamaan nga siya ng COVID-19, ikinuwento niyang medyo ok na siya. “Ubo na lang, but generally better,” sabi ng mister ni Regine Velasquez-Alcasid.
Actually, nagagawang magpaaraw sa umaga ng singer-songwriter for his much needed vitamin D.
Siyempre pa, alaga rin sa masusustansiyang pagkain si Ogie, plus medicines and vitamins.
At sobrang thankful din si Ogie dahil sa sobrang daming nagdarasal para sa maaga niyang paggaling.
At hindi ako magugulat na kapag tuluyang gumaling na si Ogie ay napakarami niyang ire-record na mga bagong kanta dahil hindi siya tumitigil sa pagko-compose. Ang dami ngang naiisip na bagong kanta ng mister ni Regine habang nasa isolation siya.
Samantala, natanong din niya ako kung nag-positive na ba ako sa COVID-19, pero nasabi ko nga sa kanya na kahit noong kasagsagan ng nasabing virus ay never akong tinamaan.
Actually, hindi lang naman si Ogie ang nagtanong no’n sa akin. May pagkakataon na ang isang aktres na ang galing-galing umarte ay nagdudang nag-positive na rin ako dahil noong nagpunta pala siya rito sa Amerika ay nadale na naman siya ng COVID-19.
Anyway, thankful ako to our Dear Lord na hindi nga ako nagkakasakit.
Oo nga pala, hanggang ngayon ay matindi pa rin ang hiling ng mga fan dito sa Amerika na magkaroon ng second leg ‘yung OA sa Love in the USA concert tour niya kung saan nakasama niya ang PauNine love team nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.
Well, gusto rin naman ni Ogie ‘yon, pero siyempre pa, kailangang ayusin ang mga schedule nila nina Paulo at Janine.
Jo Koy, lutang ang pagiging pinoy sa Hollywood
Ang Easter Sunday Filipino movie event sa The Americana At Brand sa Glendale noong Tuesday.
Dinagsa ng mga kababayan natin, pati na rin ng iba’t ibang mga lahi ang event na ‘yon ng pelikulang pinagbibidahan ni Jo Koy.
Ang bongga lang dahil may mga pagkaing Pinoy na available sa nasabing event. Ang Concert King na si Martin Nievera na noon pa sobrang bilib kay Jo Koy ay hindi rin pinalampas ang event na ‘yon at siyempre pa ay pinagkaguluhan din ng mga kababayan natin. Siyempre, natuwa ang mga nagpuntahan doon nang makita si Martin. Knowing him din naman, very accommodating sa lahat ng mga nagpapa-picture at nakikipagchikahan.
For sure, na-touch si Jo Koy sa sinabi ni Martin na very natural ang acting ng stand-up comedian sa Easter Sunday na mainstream Hollywood movie talaga, huh!
Sinabi rin ni Martin kay Jo Koy na, “You make me proud to be a Filipino.”
In fairness, dapat maging proud tayo na na-penetrate nga niya ang mainstream Hollywood, huh!
So nice! ‘Yun na!
- Latest