Andre, pinangaralan ang ama!

Andre at Aiko.

Medyo masakit pakinggan ang pangaral ni Andre Yllana sa tatay niyang si Jomari, nang sabihin niyang “iyong ginawa mo sa akin, huwag mo nang gawin sa mga kapatid ko.”

Nag-iisa lang namang anak si Andre ni Jomari kay Aiko Melendez, kaya walang dudang ang tinutukoy niya ay ang mga naging anak ni Jomari sa dating live-in partner na si Joy Reyes.

Nagkahiwalay rin kasi ang dalawa at ang live-in partner ngayon ni Jomari ay si Abby Viduya.

Bukod kina Abby at Joy, marami pang ibang nakarelasyon si Jomari pagkatapos nila ni Aiko, kabilang pa nga si Pops Fernandez. At noong panahon iyon, talagang nabuhay si Andre sa pagsisikap ni Aiko.

Matagal na single parent si Aiko hindi lang para kay Andre kundi kay Marthena rin na naging anak naman niya sa naging asawa ring si Martin Jickain.

Kung iisipin, hanggang ngayon naman ay officially single parent pa rin siya. Pero nagawa niyang pagsikapang itaguyod ang mga anak niya.

Siguro natuto rin si Aiko dahil galing din siya sa isang broken family, at napabayaan din ng tatay niyang si Jimi Melendez. Pero ang kinalabasan, si Aiko ang nangalaga pati sa kanyang kapatid sa ama.

Sa mga kuwentong ganyan siguro nahugot ni Andre ang sinabi naman niya sa tatay niya, pero dahil siya ang panganay at lalaki pa, baka dumating ang araw na siya naman ang mangalaga sa mga kapatid niya kung tuluyan nga ring talikuran ng tatay nila ang kanyang responsibilidad.

Masakit iyon para sa isang bata, kaya siguro hiniling ni Andre sa tatay niya na huwag naman noong pabayaan ang kanyang mga kapatid, gaya ng ginawa sa kanya.

Camille at pamilya, nabiktima ng pekeng online sellers

Pati pala si Camille Prats at ang pamilya niya ay nabiktima na rin ng social media scammers.

Ipinakita sa isang table, nakaupo ang buong pamilya ni Camille at kumakain sila ng isang marka ng breakfast cereals.

Fake ang picture, edited at inilagay lang sa harapan nila ang cereals, at tapos ginamit iyon sa iba’t ibang social media platforms ng isang nagbebenta ng cereals na iyon.

Ang masama pa, expired ang ipinagbibili. Kung bumili ka sa kanila, babayaran mo. Ihahatid ng carrier na babayaran mo rin. Tapos makikita mong unfit para kainin iyon, ano ang gagawin mo?

Kami nabiktima na rin kami ng ganyan. Maayos na damit ang ipinakita, nang dumating galing pala sa ukay-ukay na luma na. Kaya magmula noon, hindi na rin kami bumili online.

Iyong isang kakilala namin, bumili ng cellphone. Nang dumating cellphone nga ang kahon pero ang laman sabon. At nang magreklamo siya, siyempre ide-deny na iyon ng nagbenta.

Magtiwala lang kayo sa lihitimong seller, at mas maganda kung nakikita mo mismo ang binibili mo.

Female starlet, nagpa-D and C!

Iba ring klase ang tsismis. Ang sinasabi kailangang magbakasyon ang isang female starlet nang 15 days, kasi positive siya sa COVID. Pero ang tsismis, nasa isang ospital pala siya at nagpa-D and C.

Mukhang hindi malinis ang trabaho ng una niyang kinonsulta. Kung hindi ninyo alam kung ano ang D and C, huwag ninyo kaming tanungin.

Magtanong kayo sa isang OB-gyne at malalaman ninyo. Malalaman din ninyo kung ano ang dahilan kung bakit ginagawa ang ganyang medical procedure.

Show comments