Kilalang aktres ‘di tumatanggap ng trabaho, humina ang katawan pagkagaling sa COVID-19
Sana okay lang ang kilalang aktres na meron palang tinanggihang isang magandang project dahil sa health issues niya ngayon.
Magmula nang magka-COVID siya, medyo humina raw ang pangangatawan at kung anu-anong sakit na ang naramdaman.
Meron kasing ibang kaso na pagkatapos magkasakit sa COVID-19, naglalabasan na ang ibang sakit, at ang iba nga ay naging malubha pa ang sumusunod na karamdaman.
Itong si kilalang aktres ay kailangan muna niyang magpahinga at magpa-check up nang mabuti, para matiyak ang kanyang kalusugan.
Ang narakating na kuwento sa amin, dalawang projects na ang hindi niya itinuloy dahil sa may kakaiba siyang naramdaman at madalas ang pagkahilo.
Hindi na rin siya bata, kaya nag-iingat talaga siya lalo na sa kanyang kalusugan.
Sana hindi na lumala ang karamdaman, at tuluy-tuloy ang paggaling. Isa pa naman siya sa well-loved showbiz personalities natin.
Kaya ingat-ingat lang po.
Andrew E., excited sa anak na magko-concert
Isinasama na pala ni Andrew E. ang anak niyang si Fordy Espiritu. Nakatakdang mag-perform si Andrew E. sa Euphoria concert niya na naka-schedule sa Nov. 20 sa MUZA Kawasaki Symphony Hall sa Kawasaki, Japan.
Sa totoo lang, ang tatay ang pinaka-excited sa lahat dahil proud siya sa talent niyang minana ng anak.
Pero sobrang honored daw si Fordy at excited din dahil matutupad na rin ang matagal niyang pangarap na makasamang mag-perform ang kanyang ama.
“Siyempre po, parang sobrang ano, first time po sa feeling ko na, ‘di ba, magpe-perform kasama ko ang dad ko. Talagang sobrang happy po and talagang nasa big stage din po ako na hindi ko pa po na-experience before.
“So, parang medyo kinakabahan po nang konti pero exciting po at this moment,” pahayag ni Fordy sa nakaraang presscon ng naturang show nung nakaraang linggo.
Ayaw naman ni Andrew E. na pagkumparahin sila ng kanyang anak.
“Ang alam ko… mas guwapo siya kaysa sa akin. So, ‘yun ang alam ko talaga!
“But then again, we shall see along the way kung paano pa maha-harness at mahahasa ang kanyang talent.
“And with my guidance, little by little, hindi naman minamadali. There’s a long, big chance of being good, and being better.
“So for me, ang pinakamahalaga ngayon ay mai-share ko ‘yung stage sa kanya para mai-share ko ‘yung uri ng feeling kung how it is to perform in front of so many people.
“Dahan-dahan, pakonti-konti. So, kung hindi ka makapag-perform, Fordy, sa Pilipinas… sa Japan muna,” masayang tsika ni Andrew E.
Lalong gumagaling si Andrew E at gustung-gusto pa rin siya ng mga tao.
Malamang mas kuwela kapag father and son na ang magpi-perform.
Top Class, may final 5 na
Ilang linggo na lang, #TopClassTheFinale na! Sabik na ang 12 trainees ilabas ang lahat ng kanilang galing sa singing, dancing, at pag-rap.
Matapos ang pasiklab na performance ng mga trainees ng iba’t ibang version ng Tumitigil ang Mundo by BGYO ay kinilala rin noong Sabado ng hapon, ang Top Class Wildcard Trainees na makakabalik sa kompetisyon. Pinili ng mentors na sina KZ, Shanti at Brian Puspos na makabalik si Dean sa kompetisyon habang pinili naman ng kumunity na makabalik si Niko.
In-announce ni Campus Jock Albie Casiño na magkakaroon ng collaboration performances ang mga trainee kasama ang mga P-pop group na VXON at 1st.one para sa grand finals.
Magkakaroon din sila ng oportunidad gawan ng P-pop version ang mga kantang Hataw Na at Sa Yahweh ang Sayaw ng nag-iisang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano.
Kaya abangan ang Top Class Finale sa darating na Sabado na gaganapin sa PETA Theater Center sa Quezon City na eere sa Kumu at TV5. Mapapanood din ang Top Class sa labas ng Pilipinas via iWantTFC at Myx Global.
- Latest