Albie Casiño tawang-tawa sa 'kahawig' na pusa sa viral meme, ginawa itong profile pic
MANILA, Philippines — Kung ang ilang celebrity pikon tuwing napagkakatuwaan ang kanilang itsura, "sport" naman ang iba at nakikitawa pa sa jokes — gaya ng aktor na si Albie Casiño.
Lunes kasi nang i-post ng Facebook user na si Alexis Ablaza ang litrato ng isang pusa sa group na Homepaslupa Buddies 3.0. Agad itong nag-viral nang lagyan ng caption na, "sanaol kamukha si Albie Casino."
"THIS IS GETTING OUT OF HAND," wika ni Albie habang tawa nang tawa sa kanyang Instagram story, Martes.
Hindi na tuloy napigilan ng aktor na maki-join sa tawanan at tuluyan nang pinalitan ang kanyang litrato sa IG gamit ang kanyang feline doppelgänger.
Umani na ang orihinal na meme ng mahigit 85,000 reactions, 4,400 comments at nai-share na ng 21,000 beses sa Facebook habang isinusulat ang artikulong ito.
Unang nakilala si Albie nang marami matapos gumanap bilang si Christian Torralba sa 2010 re-make ng Kapamilya serye na "Mara Clara."
Ngayong taon lang nang maging co-host siya ng TV5 show na "Top Class," gumanap na "Jake" sa Youtube show "How to Move On in 30 Days" at sa iWantTFC miniseries na "Bola Bola."
- Latest