^

PSN Showbiz

AQ Prime, pasabog ang unang bira sa Adonis X, bingwit, huling lamay at La Traidora

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
AQ Prime, pasabog ang unang bira sa Adonis X, bingwit, huling lamay at La Traidora
AQ Prime.

Kasing-init ng panahon, kahit madalas ay umulan na rin, ang bagong streaming platform na AQ Prime.

Yes, tiyak na mag-aalab pa ang manonood ngayong nag-go live na ang AQ Prime, tampok ang mga original movie nito.

Pangmalakasan ang mga pelikula at programa rito.

Maaari nang i-download sa Google Play at App Store sa halagang P100 para sa unang tatlong buwang subscription para makanood ng iba’t ibang pelikula, programa at shows.

Ang unang apat na pelikula na mapapanood ay ang mga sumusunod: Adonis X at La Traidora ni Alejandro “Bong” Ramos; Bingwit ni Neil “Buboy” Tan, at Huling Lamay ni Joven Tan.

Sa direksyon ni Alejandro “Bong” Ramos, magpapainit sa Adonis X sina Kristof Garcia, Kurt Kendrick, Mark McMahon, Grace Vargas, Jaycee Domin­cel at Mia Aquino.

Bongga ang trailer nito, talagang hindi napipigilan ni Ms. Tessa Prieto na mapa-react sa mga napanood niyang eksena sa trailer na tungkol sa isang obra na naging totoo na pinagnanasaan ng may likha, kung saan isa si Ms. Tessa sa mga host ng press launching ng AQ Prime.

Sa pelikulang Bingwit ni Neil “Buboy” Tan, kilalanin si Salem, isang ambisyosa at makamundong babae na ginagamit ang alindog at rikit para matupad ang mga pangarap sa buhay.

Tatlong lalaki ang kanyang mga ‘kalaro’ : si Domingo na isang tiwaling mambabatas, ang makatas at ma­kisig na si Aldon, at ang nakakadarang at tila may taglay na batobalaning si Medel.

Sina Krista Miller, Drei Arias, Conan King, Rob Sy at Boogie Canare naman ang magbibingwitan at maghahalukayan sa Bingwit.

Sa pelikulang Huling Lamay ni Joven Tan, ang magpinsang sina Ben at Lucas ay dumalaw sa kanilang namayapang lola bilang pagsunod sa nakaugalian at pagpapakita ng respeto sa pagkamatay nito. Ang mga susunod na mangyayari sa lamay, na may dalang takot at hilakbot, ang susubok sa tapang, tiwala at pananampalataya ng dalawa.

Ang mga sisikilin sa sindak at hiwaga sa Huling Lamay ay sina Marlo Mortel, Buboy Villar, Lou Veloso, Mira Aquino, Waki Cacho at Aldwin Alegre.

Pangalawang handog mula kay Alejandro “Bong” Ramos ang La Traidora, kung saan ang katotohanan at kasinungalingan ay magbabanggaan, ang sining at komersyalismo ay magpapatigasan. At ang mga damdaming hindi na mapipigilan ay maghahari at masusubukan kapalit ng init ng katawan.

Grabehan kumbaga at nakakatawa talaga ang mga reaction ni Ms. Tessa at panay ang joke niya na willing siyang gumawa ng project for AQ Prime.

Parami nang parami ang streaming platform sa kasalukuyan kaya mas marami nang choices ang mga manonood.

AQ PRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with