Nathalie, engaged na sa non-showbiz bf na australian
Masaya for Nathalie Hart ang mga taong malalapit sa kanya, pati ang fans, dahil engaged na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Brad Robert.
Sa pamamagitan nga ng kanyang social media accounts ay shinare ni Nathalie ang, “Will you marry me?” proposal ni Brad.
Siyempre pa, nag-yes si Nathalie, kaya engaged na sila ni Brad.
Nag-DM (direct message) ako sa alaga ng talent manager na si Leo Dominguez para i-congratulate siya at nag-thank you naman kaagad si Nathalie.
Sabi nga ni Nathalie, second chapter na ito ng kanyang life.
Malaki rin ang pasasalamat ni Nathalie sa lahat ng mga bumati sa kanila ni Brad.
Ginanap ang proposal sa Mireio in Raffles Makati.
“Robert is Australian and I met him sa church,” sey ni Nathalie.
Bongga!
Lovi at Janine, tanggap ang katomboyan
Maganda ang feedback sa Sleep with Me, ang limited series nina Lovi Poe at Janine Gutierrez na nakatakdang mag-streaming sa iWantTFC starting Aug. 15.
In fairness, pati ang PauNine fans nina Paulo Avelino at Janine ay suportado ang limited series na ‘yon kahit nga si Lovi ang kapareha ng love ng Kapamilya actor.
In fairness, kahit may katomboyan ang istorya ng Sleep with Me, tanggap ‘yon ng fans.
Ang ilang lesbian-friends ko, sobrang excited na na mapanood ang Sleep with Me.
Samantala, umuwi ng ‘Pinas si Lovi para sa promotions ng Sleep with Me at aalis uli siya ng Aug. 16 dahil may mga proyekto rin siyang ginagawa abroad.
Carla at Wil, pang-social media lang ang relasyon?!
Marami ang nagsasabing bagay sina Carla Humphries (na Madeleine na ang pangalang ginagamit ngayon) at si Wil Dasovich at natutuwa kapag nagpo-post sila ng moments na magkasama sila sa California.
Pero may relasyon na nga ba ang dalawa o hanggang pang-social media lang ‘yung relasyon between them na inaasahan ng kanilang mga fan?
Tama ba ang chikang wala pa naman talagang relasyon ang dalawa?
Well... ‘Yun na!
- Latest